EsP (Values Education)

EsP (Values Education)

Pag-Unawa sa Mga Relasyon ng mga Tinedyer

Kasanayang Pampagkatuto:
Natatalakay ang pag-unawa sa mga relasyon ng mga tinedyer kasama ang mga katanggap-tanggap at di katanggap-tanggap na pagpapahayag ng pagkagusto/pagmamahal
 
Pangkaraniwang nabubuo sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga ang maraming mga personal na pakikipag-ugnayan, tulad ng tinatawag na romantikong relasyon.
 

Paraan ng Pagpapahayag ng Atraksyon, Pagmamahal at Komitment

Kasanayang Pampagkatuto:
Naipahahayag ang sariling paraan ng pagpapahayag ng atraksyon, pagmamahal at komitment
 
Dahil sa ang mga nagbibinata at nagdadalaga ay patungo na rin sa mga relasyong romantiko, mahalaga na malaman ang mga paraan ng pagpapahayag ng atraksiyon, pagmamahal, at komitment.
 
Makatutulong din na magkaroon ng ideya mula sa iba kung paano nila ipinahahayag ang mga ito.
 

Mga Paraan Upang Maging Mapanagutan sa Isang Relasyon

Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang mga paraan upang maging mapanagutan sa isang relasyon
 
Importanteng sangkap ng malusog na relasyon ang maging mapanagutan o responsible partikular na sa iyong mga aksiyon.
 
Ito ay nagpapaalalang ikaw ay may pamamahala sa papel mo sa nasabing relasyon.
 
Ang pagiging responsable ay lumilikha ng pagtitiwala at pagka-maaasahan.
 

Ang Papel Ng Bawat Indibidwal Sa Lipunan At Kanilang Impluwensiya Batay Sa Kanilang Pamumuno O Pagsunod

Kasanayang Pampagkatuto:
Naitatangi ang iba’t ibang papel ng bawat indibidwal sa lipunan at kung paano nila naiimpluwensiyahan ang mga tao batay sa kanilang pamumuno o pagsunod.
 
May mga salik ang nakakaimpluwensya sa mga saloobin, mga pinahahalagahan, at pag-uugali ng mga tinedyer habang sila ay tumutungo sa karampatang-gulang.
 
Kabilang dito ang impluwensiya ng mga makabuluhang indibidwal sa kanilang paligid at iba pang mga tao sa kanilang paaralan at komunidad.
 

Ang Ating Pananaw At Kung Paano Tayo Nakikita Ng Iba

Kasanayang Pampagkatuto
Naikukumpara ang kanyang pananaw at kung paano siya nakikita ng iba
 
May mga pagkakataon na kasalungat ng pagkakilala natin sa ating sarili ang pananaw naman sa atin ng ibang tao. 
 
Kaya kung matututo lamang tayong huminto, makinig, at isipin kung paano tayo nakikita ng iba, magkakaroon tayo ng oportunidad na gumawa ng mga pagbabago sa ating sarili sa ating ikauunlad.
 
Hindi ito nangangahulugan na tuluyan tayong paaapekto sa lahat ng sasabihin ng iba.
 

Paggawa ng Sarbey Tungkol sa mga Ugnayan ng mga Pilipino: Isang Halimbawa

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakagagawa ng isang simpleng sarbey tungkol sa mga ugnayan ng mga Pilipino (pamilya, paaralan, at pamayanan)
 
Bawat indibidwal ay nasasangkot sa paggawa ng maraming pagdedesisyon sa araw-araw.
 
Ang mga desisyong nagagawa ay kadalasang sumasalamin sa mga paniniwala at pinahahalagahan sa buhay.
 

Ang Uri ng Pagmamahal na Binibigay at Tinatanggap ng Isang Nagbibinata at Nagdadalaga sa Kaniyang Pamilya

Kasanayang Pampagkatuto:
Nasusuri ang istruktura ng sariling pamilya at ang uri ng pagmamahal na kanyang binibigay at tinatanggap na nakatutulong sa pag-unawa niya sa kanyang sarili
 
 
May malaking epekto sa pagkatao at personalidad ng isang kabataan ang uri ng istraktura ng kaniyang pamilya at ang uri ng relasyon sa pagitan niya at ng kaniyang mga magulang at mga kapatid.
 

Ang Genogram at Mga Plano Upang ang Bawat Kasapi ng Pamilya ay Maging Matatag at Mahinahon sa Bawat Isa

Ang genogram ay isang larawan o ilustrasyon ng mga pampamilyang relasyon ng isang tao at kasaysayang mediko. Ito ay isang elaborasyon ng ‘family tree’ kung saan ipinapakita rin ang mga ‘hereditary patterns’ at mga relasyon sa mga miyembro ng pamilya.
 
Ang magkaroon ng kaalaman ukol sa pamilya ay isang kawili-wiling bagay, maari mang ang proseso ay emosyonal at kung minsan ay mahirap. Bawat pamilya ay may sariling kuwento. May mga bahaging ipagmamalaki at magsisilbing inspirasyon at mayroon din namang hindi.
 

Mga Aktibidad ukol sa Plano Upang ang Bawat Kasapi ng Pamilya ay Maging Matatag at Mahinahon sa Bawat Isa

Aktibidad 1: ‘Ipinakikilala ko, ang aking Pamilya’

Layunin:
Ang gawaing ito ay naglalayong matulungan ang nagbibinata/nagdadalaga na masuri kung anong uri ng pamilya mayroon siya.
 
Materyales:
Panulat (ballpen), papel o bond paper
 
Pamamaraan:

Ang Pagpili ng Kurso ng Nagdadalaga at Nagbibinata: Ang Pagtatakda ng Layunin sa Buhay

Mahalagang maunawaan ang mga konsepto tungkol sa paghubog ng kurso, layunin sa buhay, at personal na salik na nakakaimpluwensiya sa pagpili ng kurso. Mahalaga na magawa mo ang personal na pagtakda ng layunin para sa nais mong kurso batay sa resulta ng pagtataya sa iyong iba’t-ibang personal na salik.
 
Importante na ang katulad mong tinedyer ay magkaroon ng isang malinaw na ideya kung ano ang nais mong mangyari sa iyong buhay sa hinaharap, lalo na ang ukol sa nais mong maging propesyon, hanapbuhay, o karera sa hinaharap.
 

Pages

Subscribe to RSS - EsP (Values Education)

Sponsored Links