Ang Papel Ng Bawat Indibidwal Sa Lipunan At Kanilang Impluwensiya Batay Sa Kanilang Pamumuno O Pagsunod

Kasanayang Pampagkatuto:
Naitatangi ang iba’t ibang papel ng bawat indibidwal sa lipunan at kung paano nila naiimpluwensiyahan ang mga tao batay sa kanilang pamumuno o pagsunod.
 
May mga salik ang nakakaimpluwensya sa mga saloobin, mga pinahahalagahan, at pag-uugali ng mga tinedyer habang sila ay tumutungo sa karampatang-gulang.
 
Kabilang dito ang impluwensiya ng mga makabuluhang indibidwal sa kanilang paligid at iba pang mga tao sa kanilang paaralan at komunidad.
 
Kung ikaw ay isang nagdadalaga o nagbibinata, inaasahang magkakaroon ka ng pagkaunawa sa mga konsepto tungkol sa panlipunang impluwensiya, pangkatang pamumuno, at pagiging tagasunod.
 
Inaasahan din na iyong maisasagawa ang ang pagtukoy sa iba’t-ibang papel ng mga pinuno at tagasunod.
 
Ang lipunan ay may mahalagang papel sa paghubog ng karakter ng isang indibidwal. Tinutulungan nitong hubugin ang abilidad ng mga nagbibinata/nagdadalaga na makipamuhay kasama ang ibang indibidwal, matutunan ang tama at mali, at magkaroon ng pangkabuuang pananaw sa buhay. 
 
Ang pagkaunawa sa impluwensiya ng ibat ibang aspeto ng lipunan sa mga nagbibinata/nagdadalaga ay makatutulong sa paghubog ng karakter at indibidwalidad ng isang tinedyer.

Halimbawang Takdang Aralin Ukol sa Paksa:

1. Mag-online sa mYiNFObASKET.com. Gamit ang search engine nito, hanapin ang artikulong “Ang Iba’t Ibang Papel Ng Bawat Indibidwal Sa Lipunan At Kung Paano Nila Naiimpluwensiyahan Ang Mga Tao Batay Sa Kanilang Pamumuno O Pagsunod.” Basahin ang maikling artikulo.
 
2. Sa comment section sa ibaba ng artikulo, isulat kung anong papel sa lipunan ang gusto mong gampanan sa hinaharap. Ipaliwanag ang iyong dahilan.
 
3. Ishare ang webpage sa iyong Social media accounts (Facebook, Twitter, Instagram, etc.) gamit ang hashtag na: #TayoAyMakabuluhan #AngFutureKo.
 
4. Mag-imbita ng tatlong kakilala (mga nakapagtapos na ng pag-aaral) na magko-comment kung angkop sa iyo o hindi ang napili mong papel sa hinaharap. I-print ang inyong naka-post na usapan. Ipasa sa iyong guro.
 
 
© Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
 
Kaugnay:

Add new comment

Sponsored Links