Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang mga paraan upang maging mapanagutan sa isang relasyon
Importanteng sangkap ng malusog na relasyon ang maging mapanagutan o responsible partikular na sa iyong mga aksiyon.
Ito ay nagpapaalalang ikaw ay may pamamahala sa papel mo sa nasabing relasyon.
Ang pagiging responsable ay lumilikha ng pagtitiwala at pagka-maaasahan.
Kung ikaw ay naging responsable sa iyong mga kilos at pag-uugali, ipinakikita mo sa iyong karelasyon ang pagiging tapat mo na nakapagpapahikayat sa kaniya na maging mas bukas, totoo, at tapat sa iyo.
Aktibidad: Paano maging responsable sa isang relasyon
Layunin:
Ang gawaing ito ay naglalayong makapagsaliksik ang mga nagbibinata/nagdadalaga ng mga paraan kung paano maging mapanagutan (responsable) sa isang relasyon.
Materyales:
Panulat (ballpen), papel o bond paper
Pamamaraan:
Magsasaliksiksik ang mga nagbibinata/nagdadalaga sa mga iba’t-ibang materyales, libro, o maging sa internet kung paano magiging responsable sa relasyon. Itatala nila ang mga ito.
Talakayan/Pagbabahagi:
1. Mahirap bang magsaliksik kung paano magiging responsable sa isang relasyon? Bakit oo; bakit hindi?
2. Tama bang maging mapanagutan o responsable sa isang relasyon? Pangatwiranan ang sagot.
© Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
Kaugnay:
Add new comment