Kasanayang Pampagkatuto
Naikukumpara ang kanyang pananaw at kung paano siya nakikita ng iba
May mga pagkakataon na kasalungat ng pagkakilala natin sa ating sarili ang pananaw naman sa atin ng ibang tao.
Kaya kung matututo lamang tayong huminto, makinig, at isipin kung paano tayo nakikita ng iba, magkakaroon tayo ng oportunidad na gumawa ng mga pagbabago sa ating sarili sa ating ikauunlad.
Hindi ito nangangahulugan na tuluyan tayong paaapekto sa lahat ng sasabihin ng iba.
Ang mga opinyon o pananaw ng iba ay maaaring makapagpakita sa atin ng ating mga kalakasan at kahinaan upang mas mapaunlad ang ating katauhan.
Aktibidad: Ang Kanyang Pananaw At Kung Paano Siya Nakikita Ng Iba
Layunin:
Ang gawaing ito ay naglalayong magkaroon ang mga Nagbibinata/Nagdadalaga ng Kaalaman tungkol sa kung paano sila nakikita ng iba, kumpara sa pananaw nila sa kanilang sarili.
Materyales:
Panulat (ballpen), papel o bond paper
Pamamaraan:
Ang mga mag-aaral ay susulat sa isang papel ng tungkol sa kaniyang sarili. Ito ay maaaring ang kaniyang mga pag-uugali, katangian, kakayahan at iba pang bumubuo ng kaniyang pagkatao.
Ang Aking Pang-unawa sa Sarili
|
Ang tingin ng ibang tao sa akin
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Pagkatapos nito, ang buong klase ay magbubunutan. Kung sino man ang mabunot nilang kamag-aral ay lalapitan at kukuhanin ang papel nito upang punan ang kolum ng ‘Ang tingin ng ibang tao sa akin”.
Talakayan/Pagbabahagi:
1. Ano ang naobserbahan mo sa mga isinulat ng iyong kaklase?
2. Ano ang natutunan mo sa iyong sarili sa aktibidad na ito?
© Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
Kaugnay:
Add new comment