Kasanayang Pampagkatuto:
Naipahahayag ang sariling paraan ng pagpapahayag ng atraksyon, pagmamahal at komitment
Dahil sa ang mga nagbibinata at nagdadalaga ay patungo na rin sa mga relasyong romantiko, mahalaga na malaman ang mga paraan ng pagpapahayag ng atraksiyon, pagmamahal, at komitment.
Makatutulong din na magkaroon ng ideya mula sa iba kung paano nila ipinahahayag ang mga ito.
Ang mga impormasyon mula sa mga nakatatanda ay mahalaga, lalo na’t ang mga nagbibinata/nagdadalaga ay mga baguhan pa sa ganitong relasyon.
Ano ang Pagmamahal?
Ayon kay
Jensen DG. Mañebog, isang Filipinong propesor ng Pilosopiya, ang pag-ibig ay kombinasyon ng ipinagkakaloob (“what is given”) at ng pinipili (“what is chosen”).
Ang ipinagkakaloob sa tao ay ang damdaming nagmamahal (“the feeling”) at ang pinipili naman ay tumutukoy sa kaniyang mga ginagawa upang alagaan, payabungin, at palaguin ang gayong damdamin.
Aktibidad: Atraksyon, Pagmamahal, at Komitment: Paano nga ba Ipakikita?
Layunin:
Ang gawaing ito ay naglalayon na malaman mula sa ibang tao ang kanilang paraan ng pagpapahayag ng atraksyon, pagmamahal, at komitment.
Materyales:
Panulat (ballpen), papel o bond paper
Pamamaraan:
Magsagawa ng pakikipanayam sa 10 tao na nasa isang relasyon at tanungin sila sa mga paraan ng kanilang pagpapahayag ng atraksiyon, pagmamahal, at komitment. Ilagay sa talahanayan ang naging resulta ng iyong panayam.
|
|
|
|
|
Magkarelasyon
|
Uri ng Relasyon
|
Paraan ng Pagpapakita ng mga sumusunod
|
|
(e.g. mag-asawa, magkasintahan)
|
Atraksiyon
|
Pagmamahal
|
Komitment
|
1
|
|
|
|
|
2
|
|
|
|
|
3
|
|
|
|
|
4
|
|
|
|
|
5
|
|
|
|
|
6
|
|
|
|
|
7
|
|
|
|
|
8
|
|
|
|
|
9
|
|
|
|
|
10
|
|
|
|
|
Talakayan/Pagbabahagi:
1. Anu-ano ang mga natutuhan mo sa iyong mga kinapanayam?
2. May mga pagkakatulad ba ang mga isinagot ng iyong mga kinapanayam?
3. Sa iyong palagay, tama ba ang kanilang paraan ng pagpapahayag ng atraksiyon, pagmamahal, at komitment?
© Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
Kaugnay:
Add new comment