Mahalagang maunawaan na ang pagpili ng kurso, trabaho, at bokasyon ay nakabatay hindi lamang sa isang salik.
Ang kombinasyon at ugnayan ng mga impluwensiya sa pagpili ay natatangi sa bawat indibidwal.
Maraming kailangang ikonsidera, subalit hindi kailangang gawin mo itong mag-isa. May mga makakatulong sa mga paaralan upang magkaroon ng pagtatasa ng karera na gusto mong tahakin sa hinaharap.
Mahalagang isa-alang-alang ang nais ng magulang at ang kalooban ng Dios.
Layunin:
Ang gawaing ito ay naglalayon upang matukoy ng mga nagbibinata/nagdadalaga ang mga personal na salik na may epekto sa pagpili nila ng kurso, trabaho, at bokasyon.
Materyales:
Panulat (ballpen), papel o bond paper
Pamamaraan:
Suriing mabuti ang mga personal na salik sa ibabang talahanayan na pinaniniwalaang nakakaimpluwensiya sa pagpili ng karera. Lagyan ng grado ayon sa iyong opinyon. 1 bilang pinakamaimpluwensiya at 10 bilang pinakakonti ang impluwensiya sa iyong pagpili ng kurso.
Mga personal na salik na na makaiimpluwensiya sa pagpili ng kurso, trabaho o bokasyon
|
Grado ayon sa sariling pagtaya.
|
Pangarap o Pantasya noong Kabataan (Ang mga pangarap noong kabataan ay maaring magkaroon ng impluwensiya sa pagdedesisyon sa hinaharap)
|
|
Kultura (ang lahi at etnikong pinagmulan)
|
|
Kasarian (estereotipo ng bawat kasarian)
|
|
Mga Tungkulin sa buhay (Life roles)
|
|
Personalidad
|
|
Nakaraang mga Karanasan
|
|
Kasanayan, Abilidad, at Talento
|
|
Mga PInahahalagahan (Values)
|
|
Interes
|
|
Pisikal at Mental na Kakayahan
|
|
Talakayan/Pagbabahagi:
1. Mahirap bang graduhan ang mga personal na salik sa pagpili ng kurso?
2. Ano ang mga natutunan mo sa aktibidad nito?
© Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
Kaugnay: