Submitted by admin on Mon, 05/24/2021 - 13:07
Ang personal na pag-unlad o pansariling paglago (personal development) ay karaniwang nangangahulugan ng pag-aayos at pagpapabuti ng panloob at panlabas na pagkatao upang magbunga ng positibong pagbabago sa karakter.
Tunay na ito ay mahalaga sa buhay ng mga nagbibinata/nagdadalaga dahil sa ito’y isang epektibong paraan upang magkaroon ng kaalaman sa sarili at sa iba't ibang mga aspeto sa yugto ng pagbibinata/pagdadalaga.
Ang adolescence ay isang mahirap na yugto at ang mga aralin sa pansariling paglago ay makatutulong upang maunawaan at mapamahalaan ang yugtong ito.
Mahalagang maunawaan mo ang ukol sa mga pansarili at personal na pag-unlad bilang mahalagang bahagi ng pagtatakda ng layunin sa buhay at pagpili ng nais na kurso.
Importante din na iyong maisasagawa ang pagsusuri ng iyong personal at pansariling pag-unlad bilang mahalagang bahagi ng pagtatakda ng mga layunin at pagpili ng kurso.
© Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
Kaugnay: