Kasanayang Pampagkatuto:
Natataya ang sariling personalidad at mga personal na salik na may kinalaman sa personal na layunin sa buhay
Ang Sariling Personalidad at Layunin Sa Buhay
Tunay na mahalaga na lubos na makilala ng isang tao, lalo na ng isang nagdadalaga o nagbibinata (tinedyer), ang kaniyang sarili.
Kung matataya ng isang kabataan ang kaniyang sariling personalidad at mga personal na salik na may kinalaman sa kaniyang personal na layunin sa buhay, napakalaki ng pag-asa na makamit niya ang kaniyang mga pangarap at hinahangad.
Mahalaga at makatutulong sa larangang ito ang pagtatasa sa sarili (self-assessment) na tumutukoy sa proseso ng pagtingin sa sarili upang masuri ng isang indibidwal ang mga aspeto na mahalaga sa kaniyang pagkakakilanlan (identity).
Isa ito sa mga motibo na tumatatangay sa atin sa pagsusuri ng sarili, kasama ang pagpapatunay at pagpapahusay sa sarili.
May mga kasangkapan sa pagtatasa ng sarili na ginagamit upang makakuha ng pinabuting pag-unawa sa sarili kaugnay ng paghubog ng kurso o pagpili ng karera na nais kunin ng isang tao.
© Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
Kaugnay: