Matututunan dito ang Kasanayang Pampagkatuto na: Naitatala ang mga paraan upang maging mapanagutan bilang nagdadalaga/nagbibinata at maging handa sa susunod na yugto ng buhay (adult life).
May mga paraan upang maging mapanagutan o responsableng nagdadalaga o nagbibinata.
Ang pagsasakatuparan sa mga ito ay makatutulong nang malaki upang maging handa sa susunod na yugto ng buhay (adult life).
Ilang Paraan Upang Maging Mapanagutan o Responsableng Nagdadalaga o Nagbibinata
Pag-aralan mo at intindihin ang mga sumusunod na pamamaraan. Ang mga ito ay hango sa lektura ng Filipinong propesor na si
Jensen DG. Mañebog.
1. Ingatan ang sarili at huwag abusuhin.
Iwasan ang bisyo, kalayawan, at mga bagay na makasisira sa kalusugan.
2. Respetuhin ang sarili.
Huwag hayaang mangibabaw ang mga pagnanasa at kapusukan. Kung igagalang ang sarili, makakamit din ang paggalang ng ibang tao.
3. Paunlarin ang mga talento at kakayahan.
Gamitin ang mga ito nang wasto at sa ikabubuti ng mundo.
4. Maging matalino sa pagtanggap ng mga impormasyong dulot ng media.
Gumamit ng critical thinking sa pagsala ng mga impormasyon at maging responsable sa pagsi-share ng mga ito.
5. Magsanay ng pagpipigil at pagdidisiplina sa sarili.
Suriin ang posibleng mga kahihinatnan ng gagawin bago kumilos.
6. Lumikha ng maayos na ugnayan sa mga magulang at mga kapatid.
Mahalin, igalang, at ipagmalasakit sila.
7. Makibahagi sa mga makabuluhang gawain ng pamayanan.
Magkaroon ng pagkukusang maglingkod sa bayan o pamayanan sa abot ng makakaya.
8. Tumulong upang mabawasan ang polusyon sa hangin, sa lupa, at sa tubig.
Sumunod sa proper waste management na ipinatutupad ng gobyerno.
9. Makilahok sa mga samahang pangkabataan sa pamayanan o relihiyon.
Ilaan ang sarili bilang mabuting tagasunod kung hindi man maging lider.
10. Isabuhay ang pananampalataya sa araw-araw.
Paigtingin ang kaugnayan at paglilingkod sa Panginoong Diyos.
Laging tandaan na kailangan mo ang patnubay at suporta ng iyong mga magulang o tagapag-alaga, mga matatandang kapatid, at mga guro upang maayos na maisagawa mo ang mga gawaing pampag-unlad para sa mga nagbibinata o nagdadalaga. (Read also:
Some Ways to Become a Responsible Adolescent)
Mahalaga para sa iyo, kung gayun, na mapanatili ang isang maayos na relasyon sa kanila. Huwag mag-atubiling humingi ng mga payo at suporta sa kanila lalo na kapag ikaw ay nalilito o naguguluhan.
Copyright © by Marissa G. Eugenio/OurHappySchool.com
PARA SA MGA GURO
Subukan itong gawing online reading assignment o e-learning activity ng mga mag-aaral. Maaaring gamitin ang ganitong panuto:
“I-search sa search engine ng OurHappySchool.com (o MyInfoBasket.com) ang artikulong [buong title ng artikulo]. Unawain. I-share ang post sa iyong social media account* kalakip ng pinakamahalagang natutunan mo sa lektura (1 sentence). I-screen shot ang iyong post at isumite sa iyong teacher.”
*Maisi-share ito sa Facebook, Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at iba pa.
Para sa mga Estudyante:
May mga free lectures sa site na ito, OurHappySchool.com, na makatutulong sa iyo. Mahahanap sila sa search engine sa itaas.
Basahin din: