Ang terminong English na adolescence sa Tagalog (adolescence in Tagalog) ay karaniwang isinasalin bilang pagbibinata at pagdadalaga.
May iba't ibang mga hamon at pagbabagong kaakibat ang pagbibinata at pagdadalaga (adolescence). Kaya naman ito ay madalas na itinuturing na isang "mahirap" na yugto sa buhay ng isang indibidwal.
Mga Pagbabago (changes) sa panahon ng adolescence
Ang adolescence ay isang antas ng pag-unlad kung saan ang papel ng magulang o tagapag-alaga sa buhay ng isang tinedyer ay kritikal. Ito ay dahil na rin sa pabagu-bagong pag-uugali ng isang nagbibinata/nagdadalaga.
Sa panahon o yugtong ito ng pagbibinata/pagdadalaga, makakaranas sila ng mga makabuluhang pagbabago sa iba't ibang aspeto ng kanilang buhay.
Sa aspetong pisikal, ang kanilang katawan ay patuloy na susuong sa mga pagbabago sa laki, hugis, at komposisyon. Mabilis naman na sumusulong ang kanilang kakayahan sa pag-iisip.
Bilang katunayan, nagagawa na nila ang tinatawag na ‘abstract thinking.’ Nagkakaroon na rin sila ng kakayahan na tuklasin ang mga problema o sitwasyon sa isang mas pang-agham at lohikal na kahulugan.
Sa larangan ng pagpapahalaga at moralidad, ang mga nagbibinata at nagdadalaga (adolescents) ay inaasahan na unti-unting bubuti. Ito ay dahil nagsisimula na silang makakuha ng pag-unawa sa kung ano ang tama at mali.
Adolescence Syndrome
Ang Adolescence syndrome ay siya ring Puberty Syndrome.
Ito ay isang termino na gingaamit upang ilarawan ang mga hindi normal na karanasan sa panahon ng pagbibinata o pagdadalaga bilang resulta ng pagiging sensitibo at kawalang-tatag (instability) ng isang tinedyer.
Ang Puberty ay isang proseso o yugto kung saan ang katawan ng isang ay nagiging isang pang-nasa hustong gulang na katawan (adult body). Ito ay dahil sa pagkilos ng mga hormones sa katawan.
Ang adolescence syndrome ay pangkaraniwang bunga ng mga isyu na nakakaapekto sa mga glandula na gumagawa ng mga hormones na iyon. Ang mga isyung ito ay maaaring maging sanhi upang magsimula ang pagbibinata o pagdadalaga nang mas maaga o huli kaysa sa normal.
Ang isang huli o maagang pagsisimula ng pagbibinata o pagdadalaga ay maaaring hindi nangangailangan ng paggamot, depende sa sitwasyon. Ganunpaman, ang tiyempo ng puberty ay mahalaga dahil nakakaapekto ito sa paglaki at taas ng bata, pati na rin sa kaniyang kagalingang pang-emosyonal.
Mga hamon sa panahon ng adolescence
Ang pagharap sa mga bagong karanasan sa buhay ng mga nagbibinata at nagdadalaga (adolescent) ay susubok sa kanilang mga kakayahan sa pagkaya sa ilang mga emosyon.
Unti-unti nilang matututunan kung paano harapin ang mga nakakaistress na sitwasyon habang tumutungo sa hustong gulang.
Sa panlipunang aspeto, marami ang maghahangad ng kalayaan at babaling sa mga barkada para sa suporta.
Ang mga salungatan sa mga pamilya ay maaaring lumitaw dahil sa pagnanais na maging malaya.
Subalit dapat maunawaan ng isang nagbibinata/nagdadalaga na kailangan pa rin niya ang patnubay ng kaniyang mga magulang o tagapag-alaga. Ang totoo, lalo niya itong kailangan sa mahalagang panahon na ito na isang antas ng pag-unlad.
Ang mga nagbibinata/nagdadalaga ay pinapayuhan din na palaging isaalang-alang ang pagiging disente. Ito ay lalo na kapag nagsisimula silang maging mausisa tungkol sa romantiko at sekswal na relasyon.
Dapat silang lalong maging responsable kapag nagsimula silang makaramdam ng pagkaakit sa isang miyembro ng opposite sex.
Konklusyon ukol sa pagbibinata at pagdadalaga (adolescence in Tagalog)
Ang pagbibinata/pagdadalaga ay talagang isang 'mahirap' na antas ng pag-unlad. Ito ay dahil ang mga kabataan ay nakaharap sa maraming bilang ng mga halu-halong emosyon habang inaasahang makatupad sa iba't ibang mga gawain na may kaugnayan sa edad.
Kaya, ang mga nagbibinata/nagdadalaga ay hindi dapat mag-atubiling humingi ng tulong, suporta, at pag-unawa mula sa mga magulang, tagapag-alaga, o mga mas nakatatandang kapatid. Ito ay upang maayos na matawid ang pagkabata hanggang makasapit sa sapat na gulang o adulthood.
Halimbawang pagsusulit ukol sa adolescence in Tagalog
Gusto mo bang subukan ang iyong kaalaman ukol sa yugtong pagbibinata o pagdadalaga (adolescence in Tagalog)? Sagutin ang mga sumusunod:
I. Tukuyin.
Tukuyin ang mga terminong hinahanap.
1. Ito ang hudyat ng pagsisimula ng adolescence.
2. Siya ang Ama ng konseptong adolescence na nagsabing ito ay panahon ng bagyo at stress sa buhay ng tao.
3. Ito ay tumutukoy sa kalidad na taglay ng isang tao na nagsisilbing ikakikilala nito.
4. Ang terminong ito ay nagmula sa salitang Latin na 'adolescere' na nangangahulugang 'lumalago'.
5. Ang Griyegong pilosopong nagsabi ng “Alamin mo ang iyong sarili.”
6. Ito ang mga bagay na maaari mong gawin.
7. Ang tawag sa yugto ng adolescence na ang edad ay humigit-kumulang 11-14 taong gulang.
8. Ang pribadong talaan ng mga pangyayari, kaisipan, damdamin, atbp., na isinusulat araw-araw.
9. Ito ang mga kaganapan o pangyayari na personal na naranasan ng tao.
10. Ang tumutukoy sa madalas at regular na ginagawa ng isang indibidwal na kung minsan ay hindi na niya nalalaman o namamalayan na ginagawa niya ito.
II. Tama o Mali
_____1. Paliwanag ni Hall, sa adolescence ay pangkaraniwan nang may salungatan (conflict) sa pagitan ng isang tinedyer at kaniyang mga magulang.
_____2. Ang iyong mga kahinaan o weaknesses ay yaong mga bagay na maaari mong gawin.
_____3. Ang pagkakilala sa sarili ang panimulang punto na humahantong sa anumang paglago, tulad ng pagpapabuti ng sarili na tila hindi posible nang walang kabatiran sa sarili.
_____4. Ang isa sa iyong mga lakas o katangian bilang isang kabataan ay ang iyong pisikal na kalusugan.
_____5. Maraming bentahe ang pagkakaroon ng kamalayan sa iyong sarili bilang isang kabataan at sa iba't ibang mga pagbabago na nagaganap sa iyo ngayon.
_____6. Ang childhood ay panahon ng maraming mga dramatikong pagbabago sa larangang pang-asal, pisyolohikal, intelektwal, at panlipunan o pakikisalamuha sa kapwa-tao.
_____7. Makatutulong nang malaki ang paggawa at pagtatabi ng dyornal para sa pagkilala sa sarili.
_____8. Ang buong yugto ng adolescence ay maaaring mahati sa dalawang yugto, una at huling bahagi.
_____9. Kung mas kilala mo ang iyong sarili, mas magiging mahusay ka sa pag-angkop ng iyong sarili sa mga pagbabago sa buhay na tugma sa iyong mga pangangailangan.
_____10. Makatutulong na maghanap ng ilang mga maaasahang kaibigang ka-edad upang makausap ukol sa mga pagbabagong nagaganap sa inyo.
Mga kaugnay na lektura:
© Marissa G. Eugenio/OurHappySchool.com
*Mahahanap ang mga kaugnay na paksa sa search engine sa itaas.
SA MGA GURO:
Maaaring itong ipa-online reading assignment o e-learning activity sa mga mag-aaral, gamit ang ganitong panuto:
“Hanapin sa search engine ng OurHappySchool.com ang essay na [buong title ng artikulo]. Unawain ang laman. I-share sa social media account* kalakip ng iyong simpleng paglalagom sa essay. I-screen shot ang post mo at ipasa sa teacher.”
*Maisi-share ang lekturang na ito sa social media tulad ng Facebook, Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at mga kauri nito.