Ang lekturang ito ay tumutugon sa Kasanayang Pampagkatuto na: Naibabahagi ang kanilang natatanging katangian, pag-uugali, at mga karanasan.
Ang Katangian, Pag-uugali, at mga Karanasan
Ang katangian (characteristic) ay tumutukoy sa kalidad (feature or quality) na taglay ng isang tao (o ng lugar o bagay) na nagsisilbing ikakikilala nito.
Ang pag-uugali (habit) naman ay tumutukoy sa madalas at regular na ginagawa ng isang indibidwal na kung minsan ay hindi na niya nalalaman o namamalayan na ginagawa niya ito.
Ang mga karanasan (experiences) ay mga kaganapan o pangyayari na personal na naranasan ng tao.
Ang halaga ng Pagbabahagi ng Katangian, Pag-uugali, at mga Karanasan
Mahalagang maibahagi mo ang iyong natatanging katangian, pag-uugali, at mga karanasan. Ito ay bilang pagpapapalalim na rin ng iyong
pagkilala sa sarili.
© Marissa G. Eugenio/OurHappySchool.com
*Mahahanap ang mga kaugnay na paksa sa search engine sa itaas.
SA MGA GURO:
Maaaring gawin itong online reading assignment o e-learning activity ng mga estudyante. Ganito ang halimbawang panuto:
“Tingnan sa search engine ng MyInfoBasket.com ang lekturang [buong pamagat ng artikulo]. Basahin. I-share sa iyong social media account* kasama ng iyong maikling paglalagom sa lektura. I-screen shot ang iyong post at ipasa sa guro.”
*Maaaring i-share ang artikulong na ito sa social media gaya ng Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at iba pa.