Ano ang developmental tasks? Ito ay mga gawaing pampag-unlad na tumutukoy sa mga angkop at inaasahang kasanayan at kilos ng isang tao sa partikular na antas ng pag-unlad ng kaniyang buhay.
Bilang isang nagbibinata o nagdadalaga, mahalagang matutunan mo ang teorya ni
Erik Erikson ukol sa
developmental tasks. Ito ay upang lubos mong maunawaan ang iyong
developmental tasks o gawaing pampag-unlad bilang nasa yugtong “
adolescence”?
Si Erik Erikson at ang Psychosocial Development
Sinasabing hinango ng sikologo (psychologist) na si Erik Erikson (1902-1994) ang kanyang walong antas o yugto ng sikososyal na pag-unlad (psychosocial development) mula sa psychosexual theory ni Sigmund Freud.
Sa kaniyang teorya, binigyang-diin ni Erikson na ang sarili o kaakuhan (ego) ay gumagawa ng mga positibong kontribusyon sa personal na pag-unlad sa pamamagitan ng pag-unawa at pagtataglay ng ilang mga saloobin, ideya, at kakayahan sa bawat antas ng pag-unlad.
Ang mga kasanayang ito ay tumutulong sa mga indibidwal na maging matagumpay at nakapag-aambag sa lipunan.
Batay sa psychosocial theory, nakakaranas ang tao ng walong (8) antas ng pag-unlad sa kaniyang buong buhay, mula sa pagkabata hanggang sa pagtanda.
Sa bawat isa sa walong antas, mayroong isang sikolohikal na salungatan (psychological conflict) na dapat na matagumpay na malagpasan upang umunlad ang personalidad at maging isang maayos na adult.
Ayon sa teorya, ang matagumpay na pagkumpleto ng bawat gawaing pampag-unlad (developmental task) ay nagreresulta sa isang pakiramdam ng kakayahan (sense of competence) at isang malusog na personalidad.
Sa kabilang banda naman, ang kabiguang makabisado ang mga gawaing pampag-unlad na ito ay humahantong sa mga damdamin ng kakulangan (feelings of inadequacy).
Para sa iba’t ibang inaasahang gawain (developmental task) ayon sa antas ng pag-unlad, hanapin sa search enghine ng
www.MyInfoBasket.com ang artikulong: “Si Erik Erikson, ang 8 Stages of Psychosocial Development, at Mga Developmental Task”.
Copyright © by Marissa G. Eugenio/OurHappySchool.com
SA MGA GURO
Gawin itong online reading assignment o e-learning activity ng mga estudyante. Panuto:
“Hanapin sa search engine ng OurHappySchool.com (o MyInfoBasket.com) ang artikulong [buong title ng artikulo]. Basahin. I-share ang post sa iyong social media account* kasama ang iyong pinakamahalagang natutunan sa lektura. I-screen shot ang iyong post at ipasa sa iyong guro.”
*Maaaring i-share ito sa Facebook, Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at mga kauri nito.
Sa mga Estudyante:
Ang mga free lectures sa site na ito, OurHappySchool.com, ay makatutulong sa iyo. Gamitin ang search engine sa itaas.
Basahin din: