Kagandahang Asal Sa Kabataan
Ang paggalang at pagiging masunurin,
Minimithi na karamihan sa atin.
Respetong laan sa pamilya at kapwa,
Inaasahan lalo na sa mga bata.
Natututuhan mula sa pagkabata
At binabaon hanggang sa’ting pagtanda.
Hinding hindi natin dapat malimutan
Isang salamin sa’ting kaugalian.
Ang pagiging magalang sa ating kapwa,
Tanda ng isang disiplinadong bata.
Isa na ang pagmano sa matatanda
At paggamit ng magalang na salita.
Ang masunurin at magalang na bata,
Handang tumanggap ng utos ng matanda.
Bukal niyang sinusunod ang mga utos,
Walang pagmamataas at hindi bastos.
Kaya’t samantalang tayo ay musmos pa,
Magsanay na sa mga asal na maganda
Sapagkat wala nang makahihigit pa
Sa mga kabataan na may pagtalima.
- Senna Micah L. Mañebog