Ang koneksiyon ng iniisip, nadarama, at kinikilos ng isang tao ay ipinaliwanag ng Amerikanong psychiatrist na si Dr. Aaron T. Beck.
Si Dr. Aaron T. Beck at Albert Ellis
Sinubukan niya noon na huwag magpokus sa nakaraan ng kaniyang mga pasyenteng nakararanas ng depresyon. Sa halip, nilayon ni Beck na gumamit ng psychotherapy na naglalayong magbago ng kognisyon (o iniisip) at pag-uugali nila.
Sa tulong ng isa pang psychologist na si Albert Ellis, nabuo nila ang tinawag na Cognitive Behavior Therapy (CBT). Ito ay naglalayong tulungan ang mga indibidwal na maunawaan ang epekto ng kaisipan at damdamin sa ugali ng tao.
Ang Cognitive Behavior Therapy
Ang mga tao ay maaaring walang kontrol sa mga kaganapan o bagay sa kanilang paligid. Subalit sa pamamagitan ng Cognitive Behavior Therapy, maaari nilang makontrol ang pagbibigay-kahulugan sa mga ito at ang kanilang ikikilos alinsunod sa kanilang pagpapakahulugan.
Sa teoryang ito, ang mga bagay at pangyayari ay maaaring ituring na neutral. Ibig sabihin, nasa tao kung babasahin niya ang mga ito sa positibo o negatibong paraan.
Halimbawa ng Cognitive Behavior Therapy
Pag-aralan natin ang halimbawang ito mula sa lektura ng Filipinong propesor na si
Jensen DG. Mañebog upang ipaliwanag ang Cognitive Behavior Therapy:
Pangyayari: Nag-message ako sa aking bestfriend. Nakita ko na na-seen o nabasa naman niya ito ngunit wala siyang reply.
Pag-iisip: Galit sa akin ang bestfriend ko. Baka may hindi siya nagustuhan sa akin.
Pakiramdam: Nalulungkot ako, nagtataka, at naiirita.
Pag-uugali: Hindi ko na siya ime-message. Kapag siya ang nag-message, hindi rin ako magre-reply.
Ngayon, pansinin ang paliwanag ni Prof.
Jensen DG. Mañebog kung paanong ang pagpihit sa negatibong pananaw para maging positibo ay makapagbabago rin sa pakiramdam at pag-uugali:
Pangyayari: Nag-message ako sa aking bestfriend. Nakita ko na na-seen o nabasa naman niya ito ngunit wala siyang reply.
Pag-iisip: Baka busy siya sa assignment niya. Baka may nira-rush na project, o kaya’y baka biglang nawalan ng internet connection o data.
Pakiramdam: Hindi ako malungkot o naiirita dahil nauunawaan ko ang kalagayan niya.
Pag-uugali: Tatawagan ko siya maya-maya para kumustahin, o kaya ay dadalawin ko siya kapag nagkaroon ng pagkakataon.
Tandaan na ang mga mapanirang kaisipan at damdamin ay maaaring makaapekto sa paggawa at pakikisalamuha ng isang tao sa loob ng kaniyang tahanan, paaralan, pinagtatrabahuhan, o komunidad.
Magkagayunman, maaaring baguhin ang kanyang mga saloobin na hahantong sa isang pagbabago sa kanyang pakiramdam at pag-uugali. Ang susi, samakatuwid, ay nasa positibong interpretasyon ng mga bagay
… ituloy ang pagbasa
© Marissa G. Eugenio/OurHappySchool.com
PARA SA MGA GURO:
Subukang gawing online reading assignment o e-learning activity ito ng klase, gamit ang panuto na:
“Hanapin sa search engine ng OurHappySchool.com o MyInfoBasket.com ang lekturang [buong title ng lektura]. Basahin. I-share ito sa social media account* kasama ang iyong short summary ng reading assignment. I-screen shot ang iyong post at ipasa sa teacher.”
*Maisi-share ang post na ito sa iyong social media tulad ng FB, Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at mga kauri.
Para sa mga Estudyante:
May mga lektura sa site na ito, OurHappySchool.com, na makatutulong sa iyo. Gamitin ang search engine sa itaas.
Basahin din: