Napakahalagang maunawaan na ang mga kaisipan o saloobin, damdamin o emosyon, at pag-uugali ay mga magkakaugnay na konsepto.
Sa maraming pagkakataon, makatutulong ang pagsubaybay sa mga konseptong ito lalo na sa mga nasa uring negatibo.
Sa intensiyonal na pagsubaybay at pagsusuri sa mga ito, nagkakaroon tayo ng mas maraming impormasyon sa kung anong mga kaisipan at pag-uugali ang may kaugnayan sa ating damdamin o emosyon.
Masasagot natin, halimbawa: Bakit nga ba nakakaramdam ako ng lungkot, saya, o takot? Ang mga impormasyong ito ay tumutulong sa atin tungo sa unang hakbang sa paggawa ng pagbabago.
Ang mga bagay sa buhay na mayroon tayong kontrol ay ang ating kaisipan/saloobin, damdamin/emosyon at pag-uugali.
Kung magagawa nating mapangasiwaan ang mga ito, kaya nating maabot ang mga layunin at magkamit ng tagumpay sa buhay.
Kung alam natin kung paano gumagana ang ating mga utak, maaari nating sadyaing impluwensiyahan ang ating mga kaisipan at damdamin.
Magkakaroon tayo ng mas malinaw na pagtatasa ng katotohanan, makagagawa ng mas mahusay na pagdedesisyon at mapapahusay ang kakayahang abutin ang ating mga layunin.
Copyright © by Marissa G. Eugenio/OurHappySchool.com
Mga kaugnay na lektura: