Kasanayang Pampagkatuto:
Natatalakay ang pag-unawa sa iba’t ibang uri ng emosyon na maaaring makatulong sa pagpapamalas ng mga nararamdaman.
Mahalaga ang emosyonal na katalinuhan!
Maraming mga nagbibinata at nagdadalaga ang nakakaranas ng maraming stress at presyur bawat araw. Kadalasan, yaong mga may kakulangan sa kasanayang pakitunguhan ang mga stress ay nanganganib ang mental na kagalingan.
Ang pagkakaroon ng mahusay na emosyonal na katalinuhan ay nakakaapekto sa pananaw at pag-uugali. Makatutulong din ito sa pag-alis ng mga kabalisahan upang mas mahusay na pakitunguhan ang mga pagbabago sa kondisyon at maiwasan ang depresyon.
Ang mga nagdadalaga at nagbibinata ay dapat magkaroon ng kasanayan sa pagpapaunlad ng de kalidad na mga relasyon. Sa pamamagitan ng pagkaunawa sa mga emosyon, mas lalong mapangangasiwaan ng mga nagbibinata/nagdadalaga ang kanilang sarili.
Mas magiging mabuti ang pakikitungo sa ibang nakapaligid sa kanila sa pamamagitan ng pag-unawa sa kanilang pangangailangan at nararamdaman. Makatutulong din itong makabuo ng matitibay na pagkakabuklod at kasiya-siyang relasyon.
AKTIBIDAD
Layunin:
Ang gawaing ito ay naglalayong bigyan ng pang-unawa ang mga nagbibinata/nagdadalaga ukol sa iba’t-ibang uri ng emosyon na maaring makatulong sa pagpapamalas ng kanilang mga nararamdaman.
Pamamaraan:
Hahatiin ang klase sa maliliit na grupo. Pasikretong tatakdaan ng guro ang bawat grupo ng isang emosyon na kanilang iaarte sa pamamagitan ng isang skit o mime. Kinakailangang hulaan ng klase ang emosyon batay sa expresyon ng mukha, galaw ng katawan, o senaryo.
Talakayan/Pagbabahagi:
1. Madali bang hulaan ang mga emosyon na isinalarawan ng iyong mga kaklase?
2. Anu-ano ang naunawaan mo tungkol sa mga iba’t-ibang uri ng emosyon?
© Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
Kaugnay:
Add new comment