Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang mga positibo at negatibong emosyon at kung paano ito ipahinahahayag o itinatago
Ang nararanasan ng isang nagbibinata/nagdadalaga ay kapwa positibo at negatibong emosyon. Ang mga positibong emosyon ay mga emosyong nagbibigay sa atin ng kaaya-ayang pakiramdam at pagtugon.
Sa kabilang banda, ang mga negatibong emosyon ay yaong mga emosyong nagdudulot ng hindi kaaya-ayang karanasan at pakiramdam. Gayunpaman, ang mga ito ay hindi maiiwasang bahagi ng buhay ng isang indibidwal at kinakailangang maranasan upang magkaroon ng tunay at makulay na buhay.
Kung importante sa isang indibidwal na pagyamanin ang mga positibong emosyon, mahalaga rin na matutunang pakibagayan at kayanin ang mga makakasagupang negatibong emosyon.
Kung iyong natutunang tanggapin, yakapin, at kasangkapanin ang mga positibo at negatibong emosyon, binibigyan mo ang iyong mga sarili ng pagkakataong mamuhay ng isang balanse at makabuluhang buhay.
Napakahalagang maunawaan kung paano ipihit ang mga negatibong emosyon tungo sa mga positibong karanasan.
AKTIBIDAD
Layunin:
Ang gawaing ito ay naglalayong matukoy ng mga nagbibinata/nagdadalaga ang mga positibo at negatibong emosyon at malaman kung paano ito karaniwang ipinahahayag at naitatago.
Materyales: papel na nakasulat ang mga uri ng emosyon, kahon
Pamamaraan:
Ang klase ay hahatiin sa grupo. Bubunot sila ng emosyon mula sa inihandang kahon ng kanilang guro. Ang mga halimbawang emosyon ay ang mga emosyong naisama sa pelikulang ‘Inside Out’. Ito ay ang Kaligayahan (Joy), Kalungkutan (Sadness), Takot (Fear), Galit (Anger) at Pagkasuya (Disgust). Mag-uusap ang grupo kung paano nila isasalarawan ang pagpapahayag at pagtatago ng napiling emosyon. Magtatanghal sa klase ang bawat grupo.
Talakayan/Pagbabahagi:
1. Ano ang natutunan mo tungkol sa mga emosyon?
2. Tama bang itago ang mga negatibong emosyon?
3. Anu-ano ang natutunan mo sa gawaing ito?
© Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
Kaugnay: