1. Ano ang kabuluhan ng batayang Konsepto ng araling "Sekswalidad ng Tao" sa aking pag-unlad bilang tao?
Makabuluhan ang konseptong batayan ng araling ang "Sekswalidad Ng Tao" sa aking pag-unlad. Napakahalaga nito sapagkat nagkaroon ako ng kamalayan o awareness sa aspektong ito bilang tao.
Napalalawak nito ang aking kaalaman sa iba’t ibang saklaw ng aking pagkatao. Kabilang na rito ang iba’t ibang yugto sa aking buhay karugtog na rin ang mga paghahanda sa pagiging adult.
Nadaragdagan rin ako lalo ng mga kalaaman patungkol sa aking sariling kasarian bilang babae habang nagdadalaga.
2. Ano-ano ang maaari mong gawin bilang paghahanda sa mga binanggit na pagbabago sa araling ito?
Napakaraming paghahanda ang kinakailangang maisagawa bilang teenager. Kinakailangang maghanda upang patuloy maging maayos ang pagdadala ng buhay at upang maging maganda ang haharaping kinabukasan.
Dahil dito, bahagi ng aking paghahanda ang patuloy na pagsisikhay ng kaalaman hanggang sa matapos ko ang aking pag-aaral, na siya namang aking regalo sa aking mga magulang kapalit ng kanilang paghihirap para sa akin.
Sisikapin ko ring magkaroon ng self-control at self-discipline para huwag mahulog sa mga pagkakamaling sa huli ay pagsisisihan.
Gagawin kong inspirasyon ang aking pamilya sa aking paghahanda sa bawat yugto ng aking buhay. Ngunit ang pinaka-malaking parte sa aking paghahanda ay ang aking mga paglilingkod sa Diyos at pagtupad ng aking mga banal na tungkulin.
Ang Diyos ang tunay na makatutulong sa akin at gagabay patungo sa magandang kinabukasan.
3. Masama ba ang pagkakaroon ng crush o hindi. Ipaliwanag.
Ang pagkakaroon ng paghanga sa ibang tao o crush ay hindi masamang bagay sapagkat habang tayo’y tumutuklas pa ng mga kaalaman bilang mga dalaga at binata ay daraan talaga ang ilan sa atin sa pagkakaroon ng paghanga sa ibang tao.
Maaring hinahangaan mo ang isang taong dahil sa kaniyang itsura, kakayahan, o talento atbp. Ngunit, hindi ibig sabihing kapag natural lang na humanga sa ibang tao ay kinakailangan nang seryosohin ito.
Ang mga bagay na dapat nating mas bigyang halaga ay ang ating mga prayoridad tulad ng ating pag-aaral, pamilya, at paglilingkod sa Diyos. Ayon nga sa isang kasabihan, “Lahat ay darating sa tamang panahon.”
Kaya may tama at akmang panahon para sa pagmamahal, pagibig, o pakikipagrelasyon.
Copyright © by Senna Micah L. Mañebog
Mga Kaugnay na Assignment: