Ano ang kabutihang naidudulot ng pakikipagkaibigan?
Ang kabutihang naidudulot ng pakikipagkaibigan ay natuturuan ang bawat tao na magkaroon ng tamang pananaw sa tunay na pagkakaibigan.
Halimbawa, sa pamamagitan nito ay natuturuan tayo kung paano pumili ng sasamahang tao bilang tunay na kaibigan.
Ganoon rin ay natuturuan tayo kung paano maging tunay na kaibigan na marunong makinig sa opinyon at marunong umunawa sa damdamin ng iba.
Napakarami pang ibang matututunan sa pakikipagkaibigan, gaya ng marapat na pakikipagkapwa-tao.
Bakit mahalaga ang pagpapatawad?
Para sa akin, napakahalaga ng pagpapatawad sapagkat bilang tao, hindi natin maiiwasan ang magkaroon ng problema, pagkakamali, at pag-aaway o hindi pagkakaintindihan sa pagitan natin at ng ating mga kaibigan.
Kung ang pagpapatawad ay may kaugnayan sa ating pagkakaibigan, ito ay nagpapakita lamang na sinusubok ang ating pagkakaibigan sa isa't isa.
Bilang tao, tayo ay nagkakamali rin. Kaya mahalaga ang pag-unawa at pagpapatawad sa isa’t isa.
Copyright © by Senna Micah L. Mañebog
Mga Kaugnay na Assignment: