1. Ano ang iyong naramdaman matapos mong basahin ang liham (Liham Ng Magulang Sa Kaniyang Anak)? Ipaliwanag.
Ako ay nalulungkot matapos kong basahin ang liham sapagkat aking nakita kung ano ang pinapahiwatig ng ating mga magulang sa atin na mga anak.
2. Ano ang iyong realisasyon matapos mong maintindihan ang laman ng liham (Liham Ng Magulang Sa Kaniyang Anak)?
Tulad ng aking nasabi sa unang tanong, aking nakita kung gaano kalubos ang pagmamahal ng ating mga magulang sa atin.
Hindi biro ang kanilang mga paghihirap at pagtitiis para sa atin. Nang dahil sa kanilang pagmamahal, hindi nila tayo iniwanan sa panahon na kailangan natin ang kanilang paggabay.
3. Ano ang iyong gagawin upang maisabuhay mo nang may katarungan at pagmamahal ang paggalang at pagsunod sa iyong magulang, nkatatanda at sa awtoridad?
Ang aking gagawin upang maisabuhay ang paggalang at pagsunod sa ating magulang, nakatatanda, at sa awtoridad ay aking mas papahalagahan ang kanilang mga isinasagawa sa atin.
Tatanawin ko palagi kung gaano nila ako ginagabayan at sinasamahan bilang bata.
At papairalin ko rin ang respetong kanilang tinuro sa akin at ipagkakaloob kong lagi ito sa kanila na.
Akin ring babaunin at ituturo ang mga ito sa aking mga magiging anak sa kinabukasan.
Copyright © by Senna Micah L. Mañebog
Kaugnay na Assignment:
Add new comment