Paano Makatutulong Sa Magulang Upang Maiwasan o Mabawasan Ang Tinatawag Na “Agwat Teknikal o Teknolohikal: Reflection Paper

Panuto:
1. Bumuo ng mga talata na ukol sa iyong opinyon kung paano ka makatutulong sa iyong magulang upang maiwasan o mabawasan ang tinatawag na “agwat teknikal”.
2. Sikaping magkakaugnay ang mga ideya at pangungusap.
 
Ang Agwat Teknikal o Teknolohikal ay isa sa mga nagiging dahilan o rason ng pagiging malayo ng kabataan sa mga nakakatanda sa kanila tulad ng kanilang mga magulang. Dulot ng mas malaking kaalaman na mayroon ang mga kabataan, nahihirapan ang nakakatanda na makihalubilo sa kanila.
 
Napakalaki ng pagbabago ng mga nasa paligid natin na nangangailangan ng malalim na pag-intindi sa mga ito. Kapansin-pansin na mas malawak ang kaalaman ng kabataan kesa sa mga nakatatanda. Dulot ito halimbawa ng pagbabago ng itinuturo sa mga paaralan.
 
Sa panahon ngayon, ang makabagong teknolohiya ay kabilang sa mga pinag-aaralan ng kabataan. Dahil dito, tayong mga kabataan ang maaaring magkaloob ng kaalaman sa mga nakatatanda sa atin upang mapalawak pa kanilang kaalaman at maunawaan pa nang mabuti ang pagbabagong ito ng mga nakatatanda sa atin.
 
“Kabataan ang pag-asa ng bayan,” wika nga ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal. Tunay ngang ang kabataan ngayon ay matatalino, dulot na rin ng mga bagong kaalaman na kanilang natututunan tulad ng makabagong teknolohiya.
 
Ang mga kaalaman na ito ay may malaking dulot at pakinabang sa ating pamumuhay sa mundo. Ngunit higit na malaki ang magiging pakinabang na maidudulot ng mga kaalamang ito kung maipagkakaloob rin natin ito sa mga nakatatanda sa atin tulad ng ating mga kapatid at lalo na sa ating mga magulang.
 
Hindi lang ito makatutulong sa nakatatandang ating nagabayan. Sa pagtuturo sa kanila ay mapapalago at mapapaunlad din natin ang ating relasyon sa kanila.

Kung gayon, marapat lang na gabayan natin sila na maunawaan ang mga bagay at kaalamang teknikal at teknolohikal.

 
 
Copyright © by Senna Micah L. Mañebog
 
Mga Kaugnay na Assignment:

Add new comment

Sponsored Links