Submitted by admin on Tue, 06/08/2021 - 05:46
1. Bakit nga ba mahalaga ang paggawa ng mabuti?
Mahalaga ang paggawa ng mabuti sapagkat napakaraming magandang bagay ang iyong matatanggap o babalik sa iyo kung patuloy kang gumagawa ng mabuti.
Nakakadagdag rin ng kapayapaan at kaginhawaan ito sa ating buhay dahil malayo tayo sa mga problema.
2. Paano ka makagawa ng mabuti sa iyong kapwa?
Makakagawa ka ng kabutihan sa iyong kapwa sa pamamagitan ng maraming paraan. Ang iba pa nga ay sa paraang hindi natin namamalayan.
Halimbawa nito ay ang pagtulong sa mga nakatatanda sa atin kung nahihirapan magbuhat ng mga bagay at pag-alalay sa mga bata kapag nalulungkot o nalulumbay sila.
Gaano man kaliit ang kabutihang iyong ginawa, sinasagisag pa rin nito ang ang kabutihan na mayroon sa iyong puso na malaki ang magagawa upang maging maayos at payapa ang pamumuhay sa lipunan.
Copyright © by Senna Micah L. Mañebog
Kaugnay na Assignment:
Add new comment