May mga hamon din na mararanasan sa yugto ng pagdadalaga/ pagbibinata. Halimbawa, sa yugtong kalagitnaan at huling bahagi ng adolescence, ang ilang tinedyer ay maaari nang mapagkamalang nasa wastong gulang na.
Ipinapalagay naman ng ilang nagdadalaga o nagbibinata na alam na nila ang maraming bagay at hindi na kailangan pang turuan ng iba. Ang kaibahan ng inaakala at katotohanan ukol sa adolescents ay nakalilikha ng mga problema at nagsisilbi namang hamon sa mga kabataan.
Napakahalaga kung ganun sa panig mo bilang tinedyer at ng mga mga makabuluhang tao sa iyong paligid (mga magulang, tagapag-alaga, mga guro, mga nakatatandang kapatid, at iba pang mga may sapat na gulang) na magkaroon ng pag-unawa ukol sa kung ano talaga ang mga tinedyer at kung ano ang kanilang pinagdaraanan.
Class Discussion:
1. Anu-ano ang kahalagahan ng pagiging mapanagutan o responsableng nagbibinata/nagdadalaga?
2. Mahirap bang mag-isip ng mga paraan kung paaanong maging mapanagutan o responsableng nagbibinata/nagdadalaga?
3. Anu-ano ang natutuhan mo sa essay na ito?
Basahin din: