Mga Pagbabago sa Panahon ng Pagdadalaga at Pagbibinata sa 3 Yugto ng Pag-unlad

Sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata, makakaranas ka ng maraming pagbabago habang lumilipat ka mula sa pagkabata (childhood) patungo sa young adulthood.
 
Kasama sa mga pagbabagong ito ang pisikal, pang-asal, pampag-iisip, emosyonal, at panlipunang pag-unlad. (Para sa detalyadong pagtalakay ukol ditto, sangguniin ang: Mga Pagbabago sa Panahon ng Adolescence: Mga Aspeto ng Pag-unlad sa Buong Katauhan)
 
Paano ba maging isang teen-ager? Ano nga ba ang “adolescence”?
 
Mahalaga na maunawaan ang buong yugto ng adolescence. Ang artikulo na ito ay makatutulong sa pag-unawa sa mga paksang ito.

Antas ng Pag-unlad ng Nagbibinata at Nagdadalaga

Alam mo ba na ang pagbibinata o pagdadalaga ay kinapapalooban ng tatlong pangunahing antas o yugto ng pag-unlad? Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Unang Bahagi (early adolescence: humigit-kumulang 11-14 taong gulang)

Ito ang unang bahagi ng adolescence. Sa yugto o panahon ng pag-unlad na ito, ang nasa parehong kasarian ay nakakaranas ng makabuluhang pisikal na paglaki at mas mataas na sekswal na interes.
 
Kung ang pag-uusapan ay ang pag-iisip, ang mga kabataan sa yugtong ito ay may limitadong kapasidad para sa abstrak na pag-iisip. Gayunpaman, ang intelektuwal na interes ay lumalawak at yumayabong.
 
Sa panahong ito ay mayroon na silang limitadong interes sa hinaharap. Sa etika, nagpapasimula silang mag-isip nang malalim ukol sa moralidad.

2. Kalagitnaang Bahagi (middle adolescence: humigit-kumulang 15-17 taong gulang)

Ang puberty ay sinasabing nakumpleto na para sa mga lalaki at babae sa panahong ito ng panggitnang yugto ng pagbibinata o pagdadalaga.
 
Sa panahong ito, ang pisikal na pag-unlad ay bumabagal para sa mga babae ngunit nagpapatuloy para sa mga lalaki. Ang mga kabataan sa yugtong ito ay nagkakaroon ng lumalaking kapasidad para sa abstrak na pag-iisip.
 
Sa panahong ito, nagsisimula na ang mga kabataan na magtakda ng pangmatagalang layunin. Nagiging interesado rin sila ukol sa kahulugan ng buhay at sa moral na pangangatuwiran.
 
Ang mga nagbibinata at nagdadalaga sa yugtong ito ng pag-unlad ay nakakaranas ng maraming mga emosyonal at sosyal na pagbabago. Kabilang rito ang mas mataas na self-involvement at pagnanais na maging malaya.

3. Huling Bahagi (late adolescence: humigit-kumulang 18-21 taong gulang)

Ang Late Adolescence na tinatawag din na Young Adulthood ay saklaw ang edad 18 hanggang 24.
 
Ang mga nagbibinata at nagdadalaga sa antas na ito ay karaniwang nakakaranas ng mas kaunting mga pisikal na pag-unlad. Gayunpaman, mas marami ang kanilang mga pag-unlad ng pag-iisip.
 
Ang mga nasa yugtong ito ay nagkakaroon ng kakayahang mag-isip nang makatwiran. Natututuhan na rin nila ang pagkaantala ng pagbibigay-kasiyahan sa sarili.

Mapapansin na nagpaplano na sila para sa hinaharap, at nagkakaroon ng matibay na pagkakakilanlan. Nakaranas na din sila ng mas mataas na katatagagang emosyonal at kalayaan.

 
Copyright © by Marissa G. Eugenio/OurHappySchool.com
 
Hanapin ang mga kaugnay na lektura sa search engine sa taas: https://OurHappySchool.com/.
 
UKOL SA MGA GURO
Subukan itong gawing online reading assignment o e-learning activity ng mga estudyante. Magagamit ang ganitong panuto:
“I-search sa search engine ng OurHappySchool.com (o MyInfoBasket.com) ang entry na [buong title ng artikulo]. Unawain. I-share ang page sa iyong social media account* kalakip ang iyong pinakamahalagang natutunan sa artukulo. I-screen shot ang iyong post. Isumite sa iyong teacher.”
 
*Maisi-share ang post na ito sa Facebook, Telegram, Twitter, Instagrame-mail, at iba pa.
 
Ukol Sa mga Mag-aaral:
Ang mga free lectures sa site na ito, OurHappySchool.com, ay makatutulong sa iyo. Hanapin sa search engine sa itaas.
 
Mga kaugnay na lektura:

Sponsored Links