Sanaysay (Essay) tungkol sa Pagdadalaga at Pagbibinata (Adolescence)

Ano ba ang buong yugto ng adolescence o ang yugto ng pagdadalaga at pagbibinata? Paano ba maging isang teen-ager? Ano nga ba ang tinatawag na “adolescence”?
 
May mga pagbabagong nagaganap, lalo na sa panahon ng kalagitnaan at huling bahagi ng pagdadalaga/ pagbibinata. May mga mararanasang pagbabago sa pisyolohikal, kognitibo, at sikolohikal na pag-unlad o pagbabago sa panahon ng adolescence.
 
 
Sa yugtong ito ng kanilang buhay, mahalaga ring maging responsable o mapanagutan—isang importanteng bahagi ng kanilang landas patungo sa karampatang gulang o adulthood. May Mga Paraan Upang Maging Mapanagutan Bilang Nagdadalaga o Nagbibinata.
 
Upang maging mga may kakayahang ‘adults”, ang mga nagbibinata at nagdadalaga ay kailangang matuto na gumawa ng mahuhusay na desisyon para sa kanilang sarili. Kaya mahalaga na nagagawa ang Pagtataya sa Sariling Pag-unlad: Paghahambing sa Kaparehong Gulang at ang 8 Gawaing Pampag-unlad (developmental task) ni Robert James Havighurst.
 
Mabuti rin na mismong sa mga nagbibinata/nagdadalaga manggaling ang mga paraan upang maging mapanagutan silang nagbibinata/nagdadalaga. Makatutulong na sangguniin nila ang Some Ways to Become a Responsible Adolescent.
 
May mga hamon din na mararanasan sa yugto ng pagdadalaga/ pagbibinata. Halimbawa, sa yugtong kalagitnaan at huling bahagi ng adolescence, ang ilang tinedyer ay maaari nang mapagkamalang nasa wastong gulang na.
 
Ipinapalagay naman ng ilang nagdadalaga o nagbibinata na alam na nila ang maraming bagay at hindi na kailangan pang turuan ng iba. Ang kaibahan ng inaakala at katotohanan ukol sa adolescents ay nakalilikha ng mga problema at nagsisilbi namang hamon sa mga kabataan.
 
Napakahalaga kung ganun sa panig mo bilang tinedyer at ng mga mga makabuluhang tao sa iyong paligid (mga magulang, tagapag-alaga, mga guro, mga nakatatandang kapatid, at iba pang mga may sapat na gulang) na magkaroon ng pag-unawa ukol sa kung ano talaga ang mga tinedyer at kung ano ang kanilang pinagdaraanan.
 
 
 
Kung ikaw ay isang nagdadalaga o nagbibinata, sikapin mong magkakaroon ng kakayahan ukol sa pagbibigay-linaw at pamamahala sa ang mga pangyayaring nagaganap iyong sa buhay bilang isang tinedyer. Makatutulong na basahin ang: Adolescent Stage of Development: Understanding what is happening among teenagers
 
May mga Gawain o aktibidad na makatutulong sa gaya mo, tulad ng nasa: Pagtatasa sa Sarili Kung Nagagawa ang mga ‘Developmental Tasks’ ng mga Nagbibinata at Nagdadalaga: Isang Aktibidad. Makatutulong din ang pagkakaroon ng pansariling diary o journal (Dyornal: Kahulugan at Halimbawa para sa mga Estudyante at Kabataan)
 
Ang pagiging nagdadalaga at nagbibinata ay maaaring stressful subalit mayroong mga paraan How to Overcome Stressful Adolescent Stage.
 
Copyright © by Jensen DG. Mañebog/OurHappySchool.com
 
Hanapin ang mga kaugnay na lektura sa search engine sa taas: https://OurHappySchool.com/.
 
Class Discussion:
1. Anu-ano ang kahalagahan ng pagiging mapanagutan o responsableng nagbibinata/nagdadalaga?
2. Mahirap bang mag-isip ng mga paraan kung paaanong maging mapanagutan o responsableng nagbibinata/nagdadalaga?
3. Anu-ano ang natutuhan mo sa essay na ito?
 
Basahin din:

Sponsored Links