Layon ng gawain o aktibidad na ito na matiyak na ang mga nagbibinata at nagdadalaga ay mayroong kaalaman tungkol sa kung ano ang pagkakaiba ng kanilang iniisip, nadarama at kinikilos.
Halimbawang Gawain o Aktibidad ng Estudyante
Gamit ang panulat (ballpen o lapis) at papel (bond paper), sumulat ng sanaysay. Ang paksa ay kung paano mo nauunawaan ang pagkakaiba ng iyong iniisip, nadarama at ikinikilos.
Talakayin din sa essay (sanaysay) kung paano nagkakaugnay ang iyong iniisip, nadarama at ikinikilos.
Isumite ito sa guro sa susunod na klase.
Talakayan at Pagbabahagi
Maaaring magtanong ang guro ng ilang mga mag-aaral kung sino ang nais magbahagi ng nilalaman ng kanilang sanaysay.
Magagamit ang mga kasunod na tanong sa talakayan:
1. Mula sa aktibidad, naunawaan mo ba ang pagkakaiba ng iyong iniisip, nadarama, at ikinikilos?
2. Sa tingin mo, anu-ano ang mga bagong kaalaman ukol sa iyong sarili ang natutunan mo sa araling ito?
3. Ano kaugnayan ng aktibidad sa kung paano maging isang
teen-ager?
Konklusyon ukol sa Iniisip, Nadarama, at Ikinikilos
Kaugnay nito, mahalaga ang pagkaunawa sa tamang ugnayan o koneksiyon sa pagitan ng ating iniisip, nadarama, at ikinikilos. Sa pamamagitan nito, binibigyan natin ang ating sarili ng pagkakataon upang piliin kung paano tayo kikilos.
Halimbawa, ang pagkaalam na mayroon tayong karapatang pumili ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon upang magbago.
Tandaan lamang na hindi mapapanagot ang mga indibidwal sa kung ano ang kanilang nararamdaman at iniisip. Mapapanagot lamang sila sa magiging kilos nila batay sa mga ito.
Copyright © by Marissa G. Eugenio/ OurHappySchool.com
Ang mga kaugnay na paksa ay mahahanap sa search engine sa taas: https:// OurHappySchool.com/.
SA MGA GURO:
Maaari itong gawing online reading assignment o e-learning activity ng inyong mga estudyante, gamit ang ganitong panuto:
“Hanapin sa search engine ng OurHappySchool.com (o MyInfoBasket.com) ang artikulong [buong title ng artikulo]. Isagawa ang binabanggit na aktibidad. I-share sa iyong social media account* kalakip ang iyong mga natutunan sa gawain. I-screen shot ang iyong post at ipasa sa teacher.”
*Pwedeng i-share ang post na ito sa Facebook, Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at iba pa.
Sa mga Mag-aaral:
May mga libreng lektura sa site na ito, OurHappySchool.com, na makatutulong sa iyo. Mahahanap sila sa search engine sa itaas.
Basahin din:
Add new comment