Kasanayang Pampagkatuto:
Naipapahayag ang saloobin sa mga inaasahan ng mga mahahalagang taong nakapaligid sa kanya [isang nagdadalaga o nagbibinata] (magulang, kapatid, kaibigan, guro, pinuno ng pamayanan)
Minsan, kailangang mailabas ang mga saloobin upang hindi ito mapuno sa ating dibdib.
Ang paglalabas ng saloobin, kahit sa pamamagitan ng pagvivideo o pagrerecord ay magandang paraan upang mabawasan ang ating dinadala o ang sama ng loob.
Aktibidad: “Mahal kong …”
Layunin:
Ang gawaing ito ay naglalayong makapagpahayag ng saloobin ang isang nagbibinata/nagdadalaga sa kung sino mang itinuturing niyang mahalagang tao sa kaniyang paligid na may kaugnayan sa yugtong kaniyang pinagdaraanan.
Materyales:
Pangrecord o pangvideo na gadget (videocam o celphone), usb o blankong cd
Pamamaraan:
Gumawa ng isang video recording para sa mga mahahalagang tao sa iyong buhay. Ito ay maglalaman ng mga saloobin mo na may kaugnayan sa pagbibinata/pagdadalaga. Isave sa USB o CD ang video at isumite sa guro. Huwag mag-alala dahil ito ay pananatilihing confidential.
Talakayan/Pagbabahagi:
1. Nahirapan ka ba sa paggawa ng video? Bakit oo; Bakit hindi?
2. Anoang naramdaman mo habang gumagawa ka ng video?
3. Anu-ano ang natutunan mo sa aktibidad na ito?
4. Matapos mong maipahayag ang iyong saloobin, ano naman ang palno mong gawin upang maging mabuti ang kaugnayan mo sa pinag-uukulan mo ng video recording?
Copyright © by Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
SA MGA GURO: Maaari itong gawing reading assignment ng inyong mga mag-aaral
Kaugnay:
Basahin din:
Add new comment