Kasanayang Pampagkatuto:
Nakagagawa ng plano upang mapaunlad ang pagkatuto, gamit ang mga gawain sa mind mapping.
Ang paggawa ng mind map ay isang kapaki-pakinabang na paraan na tumutulong sa isang tao na lumikha ng mga plano at estratehiya.
Hindi na ito isang bagong konsepto subalit sa pagdaan ng panahon ay nagkaroon ng mga pagbabago sa paggawa nito.
Ginagamit ito sa maraming layunin dahil na rin sa dami ng benepisyo nito at pagpapadali ng pagpaplano. Makabubuti na matuto sa paggamit ng pamamaraan ng Mind Mapping ang mga nagbibinata/nagdadalaga.
Malaki ang maitutulong nito sa kanilang konsentrasyon sa pag-aaral at pag-unlad ng pagkatuto.
Aktibidad: Ang Aking Mind Map para sa Pagkatuto
Layunin:
Ang gawaing ito ay naglalayon na hayaang makapagsanay ang mga mag-aaral na gumawa ng mind map na nakatuon sa pag-unlad ng kanilang pagkatuto.
Materyales:
Kung sulat kamay - Papel o bond paper, Panulat (ballpen o iba pang kagamitang magpapaganda ng mind map)
Kung ikocomputer – computer, Papel na paglilimbagan, printer
Pamamaraan:
Gumawa ng iyong sariling mind map na nakatuon sa pag-unlad ng pagkatuto. Isumite ang iyong gawain sa guro sa susunod na pagkikita ng klase.
Talakayan/Pagbabahagi:
1. Mahirap bang gumawa ng isang mind map?
2. Ano sa tingin mo ang kagandahan na matutong gumawa ng mind map?
3. Anu ano ang mga natutuhan mo sa gawaing ito?
Copyright © by Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
SA MGA GURO: Maaari itong gawing reading assignment ng inyong mga mag-aaral
Kaugnay:
Add new comment