Mga Negatibong Epekto ng Migrasyon

Tumutukoy ang migrasyon sa paglipat ng isang tao o mga tao mula sa isang bansa, lokalidad, o tirahan tungo sa ibang dako upang doon manirahan o mamalagi. Ang kaisipang migrasyon ay karaniwang tumutukoy sa paglipat sa malayong dako, tulad sa ibang bayan, probinsiya, rehiyon, o bansa.

Narito ang ilang halimbawa ng mga epekto ng migrasyon sa aspektong panlipunan, pampulitika, at pangkabuhayan:

- Ang pagdagsa ng mga manggagawa sa mga lungsod o bayan ay nagdaragdag ng kumpetisyon sa trabaho, matitirhan, mapapasukang paaralan, at iba pa. Nagbubunga rin ng overcrowding at heavy traffic sa mga kalsada.

- Ang pagkakaroon ng malaking populasyon ay nagbubunga ng kakapusan sa mga likas na yaman, serbisyo, at amenities. Pinalalawak ng migrasyon ang mga slum o squatter area sa mga lungsod na nakapagdadagdag sa mga suliranin tulad ng polusyon, krimen, at iba pa. (Kaugnay;  Likas na Yaman ng Pilipinas: Mga Hamon at Oportunidad sa mga Gawaing Pangkabuhayan)

- Mahirap para sa mga galing sa liblib na probinsiya na mabuhay sa mga lungsod o bayan dahil walang malinis na hangin. Kailangan din nilang magbayad para sa halos lahat ng bagay. Kapag hindi kaya ang gastusin, ang mga anak ay lumalaki sa kahirapan at walang sapat na nutrisyon at edukasyon.

- Binabago ng migrasyon ang komposisyon ng populasyon ng isang lugar (gaya ng naganap na hindi pantay na pagkakabahagi ng populasyon sa India). Minsan, ang mga migrante o dayuhan ay napagsasamantalahan.

- Maraming migrante o dayuhan ang hindi kwalipikado sa trabaho at kulang din sa pangunahing kaalaman at kasanayan sa buhay. Ang mga ganito ay nagiging pabigat lamang sa lokal na pamahalaang nilipatan.

Tangi sa mga nabanggit, nagkakaroon din ng pagkalat, paglaganap, at pagpapalitan ng iba’t ibang kultura dahil sa migrasyon. Nagiging mas lantad ang tao sa iba’t ibang cultural values, paniniwala, ritwal, kaugalian, ideolohiya, relihiyon, tradisyon, paniniwalang politikal, at maging cuisine ... ituloy ang pagbasa

© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

Ang lekturang ito sa Mga Kontemporaryong Isyu ay tumutugon sa PAMANTAYAN SA PAGKATUTO na:
Naipaliliwanag ang epekto ng migrasyon sa aspektong panlipunan, pampulitika, at pangkabuhayan

Para sa MGA POSITIBONG EPEKTO NG MIGRASYON, basahin ang: Ang Epekto ng Migrasyon sa Aspektong Panlipunan, Pampulitika, at Pangkabuhayan

Read Also:
The Interesting Tales of the Jose Rizal Family by Jensen DG. Mañebog

 

SA MGA MAG-AARAL: Gamitin ang comment section sa pahinang ito

 

Sponsored Links