Sa Pilipinas ay may mga sinasabing mga anyo ng paglabag sa karapatang pantao sa pamayanan at bansa--na maaaring laganap din sa daigdig. (Basahin: Mga Karapatang Pantao at Karapatang Sibil)
Ang isang halimbawa nito ay ang diskriminasyon. Sa ganito, ang mga pangunahing karapatan ay maaaring ipagkait dahil sa relihiyon, etnisidad, lahi, o kasarian ng mga tao.
Ang apartheid, na nagkakait ng mga karapatang pampulitika dahil sa lahi, ay isa sa mga matinding anyo ng diskriminasyon. Ang sistema ng apartheid sa South Africa ay nagtatag ng matinding racial segregation.
Nakapaloob dito ang mga batas laban sa interracial marriage or sexual relations at mga batas na nag-uutos sa mga rasa na manirahan nang hiwa-hiwalay sa mga itinakdang lugar lamang. Ang ilang mga indibidwal ay itinuturing na mas mababa, at hindi itinuturing na fully human sa ilalim ng batas. (Kaugnay: Ang Pagbibigay Serbisyo/Paglilingkod ng Komunidad at Karapatan ng Bawat Kasapi)
Bilang karagdagan, ang mga kababaihan ay biktima ng maraming uri ng mga pang-aabuso sa karapatang pantao. Tangi sa sekswal na pang-aabuso, may malalim na diskriminasyon laban sa kababaihan na laganap sa maraming bahagi ng mundo at humahantong sa iba't ibang anyo ng pampulitika at panlipunang pang-aapi.
Kasama dito ang paghihigpit sa pananamit at malupit na parusa para sa sekswal na paglabag. Ang mga kababaihan sa ilang mga rehiyon (sa Africa halimbawa) ay nagdurusa ng kahirapan (kaysa sa mga kalalakihan ) at pinagkakaitan ng mga oportunidad sa pulitika, edukasyon, at pagsasanay sa trabaho.
Sa Pilipinas, may mga naging kaso ng pag-atake sa mga mamamahayag o miyembro ng media. Ang halimbawa ay ang naganap na Maguindanao Massacre noong Nobyembre 23, 2009 kung saan 30 na journalists at dalawang media workers ang magkakasamang pinatay nang sila ay papunta sa Maguindanao para i-cover ang gagawing filing of candidacy ng isang pulitiko.
May mga itinuturing din na kaso ng terorismo sa bansa—mga banta o karahasan sa anyo ng pagpapasabog, pagkidnap, at asasinasyon na ginagawa dahil sa mga motibasyong pampulitika. Kinapapalooban ito ng mga planadong karahasan bilang paraan ng pagmamanipula sa mga pasya ng gobyerno.
Ang ilan sa mga grupong terorista sa bansa ay ang Abu Sayyaf Group (ASG) at Jemaah Islamiya. Ipinalalagay ng iba na ang mga grupong New People’s Army (NPA), Moro National Liberation Front (MNLF), at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay sangkot din sa ilang gawaing pangterorista. Ang Jemaah Islamiya at Abu Sayyaf Group (ASG) ay halimbawa ng mga teroristang grupo sa Pilipinas ... (ituloy ang pagbasa)
Para sa updated na listahan ng mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas (gaya ng diumano’y extrajudicial killing), sangguniin ang artikulong, “Mga Halimbawa ng Paglabag sa Karapatang Pantao sa Pilipinas” na matatagpuan sa search engine ng AlaminNatin.com o MyInfoBasket.com (© Marissa G. Eugenio & Vergie Eusebio)
Tunghayan: The Colorful Love Affairs of Dr. Jose Rizal by Jensen DG. Mañebog
Basahin: Epekto ng Pakikilahok sa mga Gawain at Usaping Pampulitika