Pagtugon Sa Mga Alalahanin (Stress) Sa Panahon Ng Kalagitnaan At Huling Bahagi Ng Pagbibinata/Pagdadalaga

Kasanayang Pampagkatuto 5.1.
Natatalakay na ang pag-unawa sa mga alalahanin at mga pinagmumulan nito sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay maaaring makatutulong na matukoy ang mga paraan upang matugunan ang mga ito para sa malusog na pamumuhay
 
Kung ikaw ay nagdadalaga o nagbibinata, inaasahan na magkakaroon ka ng pagkaunawa sa iba’t ibang uri ng mga alalahanin (stress); sa iba’t ibang tugon sa mga alalahanin; at sa mga estratehiya sa pamamahala ng mga alalahanin para sa malusog na pamumuhay sa panahon ng kalagitnaan at huling bahagi ng pagdadalaga/pagbibinata.
 
Inaasahan din na maisasagawa mo, bilang isang mag-aaral, ang pagtukoy sa mga personal na pamamaraan ng pagtugon sa mga alalahanin para sa malusog na pamumuhay.

Ang Mga Alalahanin (Stress) Sa Mga Nagbibinata/Nagdadalaga

Ang stress sa mga nagbibinata/nagdadalaga ay isang mahalagang isyu sa kalusugan.
 
Kapuna puna sa unang yugto ng pagbibinata/pagdadalaga ang matuling pagbago sa maraming aspeto—pisikal, kognitibo, at emosyonal.
 
Kinakaharap din ng mga tinedyer ang nagbabagong relasyon sa mga kabarkada, mga bagong pangangailangan sa paaralan, tensyon sa pamilya at panlipunang pangangailangan.
 
Mahalagang matutuhan ang nauukol sa stress, mga pinagmumulan nito at paano ito nakakaapekto upang maging handa sa pagharap at pagkaya sa mga ito.
 

Aktibidad: ‘Stress, Ano Ka Ba talaga?’

Layunin:  
Ang gawaing ito ay naglalayong lalong maunawaan ng mga nagbibinata/nagdadalaga ang tungkol sa stress, mga pinagmumulan nito, at malaman kung paano ito makaaapekto sa kanila.
 
Materyales:
Panulat (ballpen), bond paper o papel.
Pamamaraan:
Batay sa iyong takdang aralin, gumawa ng buod tungkol sa stress, mga pinagmumulan nito, kung paano ito makaapekto sa iyo bilang nagbibinata/nagdadalaga, at paano mo haharapin ang mga ito.
 
Talakayan/Pagbabahagi:
1. Ano ang natutuhan mo tungkol sa stress?
2. Sa palagay mo, magiging malaking bahagi ba ng pagbibinata/pagdadalaga ang stress? Bakit oo, bakit hindi?
3. Paano mo iiwasan ang stress?

Takdang Araling Online:

1. Mag-online sa AlaminNatin.com (o sa OurHappySchool.com o sa MyInfoBasket.com). Gamit ang search engine nito, hanapin ang artikulong “Ang Mga Alalahanin o Stress at Mga Pinagmumulan Nito.” Unawain ang lektura.
 
2. Sa comment section sa ibaba ng artikulo: (a) isulat ang pagkaunawa mo sa terminong stress, (b) bumanggit ng isang pinagmumulan nito, (c) ipaliwanag kung paano ito makaapekto sa iyo, at (d) sabihin kung paano mo ito mapagtatagumpayan. Gumamit ng hashtag na: #BuhayTinedyer #PayuhanPoAko
 
3. Mag-imbita ng tatlong kaibigan o kamag-anak (mga propesyonal) upang magsulat sa comment mo ng payo sa iyo ukol sa kung paano mo dapat harapin ang mga stress bilang tinedyer. I-print ang inyong naka-post na sagutan at ipasa sa guro.
 
Copyright © by Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
 
SA MGA GURO: Maaari itong gawing reading assignment ng inyong mga mag-aaral
 
Kaugnay:
 

Add new comment

Sponsored Links