Mga Paglilingkod ng Pamahalaan Upang Matugunan ang Pangangailangan ng Bawat Mamamayan
Ang pamahalaan ay tumutulong upang matugunan ang pangangailangan ng bawat mamamayan.
Ano ba ang pamahalaan? Ito ay isang institusyon na may kapangyarihan at karapatang gumawa ng mga programa at batas na ipatutupad para sa mga nasasakupang mga tao (constituents). May kapangyarihan itong tumugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan. (Kaugnay: Ang Halaga ng Pamahalaan at Mabuting Pamumuno)
Paano tumutulong ang pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng bawat mamamayan?
Ang pamahalaan ay nagbibigay ng serbisyo sa pamamagitan ng mga ahensya nito na nakatalaga sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga tao:
AHENSIYA NG PAMAHALAAN |
PAGLILINGKOD/SERBISYO |
PANGANGAILANGANG TINUTUGUNAN |
Department of Education (DEPEd) |
Nakatalagang mag-asikaso sa lahat ng mga bagay ukol sa edukasyon sa bansa.
|
EDUKASYON |
Philippine National Police(PNP) |
Nakatalaga sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa bansa.
|
PANGKAPAYAPAAN |
Armed Forces of the Philippines (AFP) |
Naatasan sa pagtatanggol ng soberanya at teritoryo ng bansa. Hawak nito ang Philippine Army (kalupaan), Philippine Navy (katubigan), Philippine Air Force (himpapawid) |
PANGKAPAYAPAAN |
Department of Health (DOH)
|
Nakatalaga sa pagsiguro na maiparating sa mga tao ang pangunahing serbisyo sa pampublikong kalusugan ng lahat ng mga Pilipino.
|
PANGKALUSUGAN |
Department of Labor and Employment (DOLE) |
Naatasan ukol sa larangan ng paggawa at trabaho sa bansa. |
PANGKABUHAYAN
|
Department of Transportation and Communication(DOTC)
|
Responsible sa pagbuo at sa regulasyon ng mga sistema ng transportasyon at komunikasyon. |
TRANSPORTASYON AT KOMUNIKASYON |
Department of Justice (DOJ) |
Ito ay nagsisilbing sangay ng pag-uusig ng gobyerno at pinangangasiwaan ang sistema ng hustisyang kriminal ng gobyerno.
|
KATARUNGAN |
Department of Social Welfare and Development(DSWD) |
Responsable para sa pangangalaga ng panlipunang kapakanan ng mga karapatan ng mga Pilipino at upang itaguyod ang panlipunang pag-unlad.
|
PANLIPUNANG KAPAKANAN |
National Housing Authority (NHA)
|
Ang National Housing Authority (NHA) ay isang ahensya ng gobyerno na responsable para sa pampublikong pabahay sa Pilipinas. |
BAHAY/TIRAHAN |
National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) |
Pananagutan na matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga tao kapag dumarating ang emerhensiya o sakuna. |
KALIGTASAN |
DOE (DOE) |
Responsable sa lahat ng bagay ukol sa enerhiya. |
KURYENTE/ELEKTRISIDAD |
DENR(DENR) |
Nakatalagang bumalangkas at magpatupad ng mga patakaran, alituntunin, tuntunin at regulasyon na may kaugnayan sa pamamahala sa kapaligiran at pag-iwas at pagkontrol sa polusyon.
|
PANGKAPALIGIRAN/PANGKALIKASAN |
Basahin din: Ang Mga Proyekto o Gawain ng Pamahalaan sa Kabutihan ng Lahat o Nakararami
Gawain:
Sumulat ng maikling pagpapasalamat sa pamahalaan. Sabihin kung paano nakatutulong ang pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng iyong pamilya.
Copyright © by Celine de Guzman/OurHappySchool.com