Ang ideolohiya ay mga kaisipan o paniniwala na nakaaapekto sa pananaw sa mundo at nagsisilbing batayan sa pagpapasya at gabay sa pagkilos. Maaaring ang isang ideolohiya ay komprehensibong katipunan ng mga pananaw, pag-uugali, at kuru-kuro hinggil sa mga institusyon at prosesong panlipunan, pampulitika, at pangekonomiya.
Sa larangan ng pulitika, maaaring ang isang ideolohiya ay magtaglay rin ng mga puna sa umiiral na sistema, mga programa ukol sa hangad na panlipunang pagbabago, paniniwalang dapat ipaglaban ang programa, at paghikayat sa mga tao na isagawa ang programa o ang pagbabago. Anopa’t ang ideolohiya ay nagsisilbing batayan at katwiran ng isang rehimen at ng mga patakaran nito.
Narito ang ilan sa mga kilalang ideolohiya na nasa uring politikal:
Ito ay uri ng pamahalaan kung saan hawak ng estado ang buong awtoridad sa lipunan at kinukontrol ang lahat ng aspekto ng pampubliko at pribadong buhay ng mga mamamayan. Hindi ito nagbibigay ng kalayaan sa indibidwal at hangad na ang lahat ay ilagay sa kontrol ng pamahalaan.
Karaniwang pinamumunuan ito ng diktador (o isang grupo ng mga taong makapangyarihan) na siyang may hawak sa lahat ng desisyon tungkol sa pamamahala at kabuhayan. Maging ang pagmamay-ari sa mga korporasyon at pribadong ari-arian, mga industriya at lupain, maging ang mga kayamanan ng bansa ay napupunta sa ilalim ng kapangyarihan ng diktador.
Sa ilalim ng ganitong sistema, nawawala ang mga karapatang-pantao, dinidiktahan maging ang paniniwala ng mga mamamayan, limitado ang pagkilos at pagsasalita, at hindi pinapayagan ang pagkritiko sa administrasyon. Ang diktador na si Benito Mussolini ang nagpasimula ng salitang totalitario noong 1920. Sa kanyang pamumuno, ang Italya ay napasailalim sa totalitaryong Pasismo mula 1922 hanggang 1943.
Ang anarkismo ay isang teoriya, doktrina, at pag-uugali na nagpapahayag na masama ang lahat ng pamahalaan. Para rito, ang lahat ng uri ng pamahalaan ay mapanikil at hindi naman talaga kinakailangan.
Ang paniniwalang ito ay nagmula sa Kanluran at kumalat din sa buong daidig, lalo na noong ika-20 siglo.Tinatawag na mga anarkista ang taong naniniwala at nagtataguyod ng anarkismo. Hindi nila kinikilala ang mga batas na gawa ng tao, naniniwala sila na ang pag-aari ay isang paraan ng paniniil, at nagtuturo na ang mga krimen ay dulot ng pagkakaroon ng gobyerno at mga pag-aari.
Itinataguyod nila na ang kawalan ng saligang-batas at pamahalaan ay hindi mapupunta sa kawalan ng katarungan kundi sa tunay na hustisyang likas sa malalayang tao sa lipunan.
Ang awtokrasya ay galling sa salitang Griyegong "auto" (sarili) at "kratos" (kapangyarihan o pamahalaan). Ito ay sistema ng pamamahala kung saan ang kapangyarihan ay hawak ng iisang tao lamang o ng tinatawag na ‘awtokrato.’ (Kaugnay na paksa ukol sa pamahalaan: Ang Pamahalaan: Mga Katangian ng Mabuting Namumuno sa Gobyerno)
Sa awtokrasya, walang legal na batayan o regular na mekanismo para sa impluwensiya ng taumbayan sa kapasiyahan ng isang awtokrato, maliban nang magraroon ng kudeta o rebolusyon.
Ang absolutong monarkiya at diktadoryal ay halimbawa ng awtokrasya. Ang pagpapasya ng namumuno ay hindi nakapailalim o naiimpluwensiyahan ng anomang panlabas na batas o regulasyon.
Ito ay pamahalaan o doktrinang sumusuporta o nagtataguyod ng pagpapangkat-pangkat ayon sa lahi, rasa, kulay ng balat, etniko, o relihiyon.
Ang segregasyonalismo ay masasabing uri ng ideolohiya na nagtataguyod ng diskriminasyon. (Kaugnay: Kahulugan ng sosyalismo; Sosyalismo kahulugan)
Ito ay uri ng pamahalaan na ang kapangyarihan ay itinatakda ng saligang-batas o konstitusyon na nilikha ng mga kinatawan ng mga mamamayan upang sundin ng mga tao at maging ng mga namumuno.
Ang konstitusyonalismo ay ideolohiyang hango sa pilosopiya ni John Locke at sa mga pinuno na nagtatag ng Amerika. Sinasabi nito na dapat na malimitahan ang kapangyarihan at awtoridad ng pamahalaan. Nais ng sistemang ito na maprotektahan ang interes at kalayan ng mamamayan, maging ng mga kabilang sa minoridad o nasa laylayan (marginalized sector).
Ang demokrasya, sa literal na kahulugan, ay pamahalaan ng mga tao. Ang kapangyarihang mamahala ay nasa kamay ng mga tao o may pakikilahok ang mga mamamayan sa pamamahala.
Ang demokrasya ay ‘tuwiran’ kapag ang mga tao ang diretsang namamahala sa kanilang sarili. Ito ay ‘di-tuwiran,’ ‘kinatawan,’ o ‘republikano’ kapag ang bayan ay pinamamahalaan ng mga pinunong hinalal o pinili ng mga tao. Ang Switzerland ay may tuwirang demokrasya habang ang Pilipinas ay isang republika o demokratikong kinakatawan ng mga binoto ng bayan.
Ang imperyalismo ay isang polisiya na nagpapalawak sa sakop at kapangyarihan ng isang bansa at naglalayong impluwensiyahan ang bansang nasakop sa pamamagitan ng kolonisasyon at pagkontrol sa politika, ekonomiya, at panlipunang aspeto nito. Gumagamit ito ng pananakop o pagpapakita ng lakas-militar upang makapagtatag ng mga kolonya at makalikha ng imperyo ... ituloy ang pagbasa ukol sa imperyalismo
Ito ay pamahalaan na ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga tinatawag na ‘maharlika’ gaya ng mga reyna at hari at ng kanilang pamilya. Dito, ang soberanya ay nakapaloob sa isang namumunong hanggang sa kaniyang kamatayan o pagbaba sa kapangyarihan. Ang uri ng monarkiya ay iba-iba depende sa antas ng awtonomiya ng namamahala, paraan ng pamamahala, at nakatakdang termino nito.
Sa depinisyon, ang teokrasya ay pamamahala ng Dios; sa realidad, ito ay pamamahala ng mga kinikilala ng mga tao na kinatawan ng Dios sa kanilang relihiyon o sekta. Ang mga opisyal na patakaran o batas, kung gayon, ay umaayon sa doktrina o teolohiya ng isang partikular na pangkatin ng pananampalataya. Ang mga kapangyarihan o autoridad sa Teokrasya ay nasa pinuong panrelihiyon gaya ng Supreme Leader ng Iran, Dalai Lama, Papa ng Katoliko, at mga guru o rabbi.
Isinulat ni Karl Marx at Friedrich Engel ang pilosopiyang Komunismo at itinaguyod at pinayabong naman ni Vladimir Lenin sa Russia at ni Mao Zedong sa China. Ayon sa ideolohiyang ito, ang kasaysayan ay kikilos mula sa pagkakaroon ng ideolohiyang kapitalismo patungo sa sosyalismo, at pagkatapos ay sa tinatawag na komunismo, ang diumano’y pinakamataas at huling hantungan. (Kaugnay: Komunismo ba ang uri ng pamamahala sa langit?)
Ang Komunismo ay isang panlipunang sistema na naghahangad bumuo ng lipunang walang antas o pag-uuri-uri—walang mataas at mababang uri ng tao sa lipunan. Nais nito na maging pag-aari ng lipunan ang lahat ng salik sa produksiyon, hindi ng mga pribadong burgis at ng mga kapitalistang ganid sa yaman at kapangyarihan. Sa aspeto ng ekonomiya, ang bawat isa ay magtatrabaho nang ayon sa kanyang kakayahan, at tatanggapin mula sa lipunan ang lahat ng kanyang pangangailangan ... ituloy ang pagbasa ukol sa communism
Basahin ang buong pagtalakay: Sosyalismo: Kahulugan, Epekto, at Kahinaan
Narito ang paliwanag ukol sa Kapitalismo: Kapitalismo: Kahulugan, Dahilan, at Epekto
Copyright © 2014-present by Jensen DG. Mañebog & Jens Micah De Guzman
TALAKAYAN: