Ang Pagtaya sa Sariling Iniisip, Nadarama, at Kinikilos

 
Mahalaga sa isang tao, lalo na ng mga nagbibinata at nagdadalaga, na magkaroon ng pagsusuri sa mga kaisipan, damdamin, at pag-uugali.
 
Kung ikaw ay isang adolescent, may mga mabilis na pagbabago at pagpapalit sa iyong mood, emosyon, at pag-uugali. Kaya naman dapat na lagi mo itong mino-monitor.
 
Hindi nakapagtataka sa gay among tinedyer na ikaw ay karaniwan ding sensitibo. Madali kang maapektuhan ng mga komento ng ibang tao tungkol sa iyo. Gusto mong palaging maging mabuti sa tingin ng ibang mga tao. Nag-aalala ka tungkol sa iyong kaanyuan.
 
Iniisip mo marahil na ang pansin ng ibang tao ay laging nakasentro sa iyong mga aksyon at hitsura. Naku-conscious ka tuloy sa iyong mga kapintasan at naihahambing mo ang iyong sarili sa iyong mga ka-edad.
 
Magkaminsan, dahil sa mga di-pagkakaunawaan sa pamilya, karamihan sa mga kagaya mo ay nag-iisip na hindi sila minamahal at inaalagaan ng kanilang mga magulang.
 
Napakahalaga, kung gayon, para na rin sa personal mong pag-unlad, na magkaroon ka ng palagiang pagtatasa ng iyong mga kaisipan, damdamin, at pag-uugali. Ang mga kaisipan, damdamin, at pag-uugali ay magkakaugnay sapagkat sila ay nakakaimpluwensya at nakakaapekto sa isa’t isa.
 
Karamihan sa mga negatibong damdamin at pag-uugali ay bunga ng mga negatibong kaisipan. Ang pag-iisip o paniniwala, halimbawa, na hindi ka gusto ng iyong kapatid, kaklase o guro ay makapagbubunga ng hindi magandang pakiramdam at hindi maayos na pakikitungo mo sa kanila.

Mga Gabay-Katanungan (Guide Questions) sa Pagtaya sa Sariling Iniisip, Nadarama, at Kinikilos

Makatutulong ang mga sumusunod na gabay-katanungan aa pagtataya mo sa iyong sariling iniisip, nadarama, at kinikilos:
 
1. Ano ang gusto ko talaga? Ano ang gusto kong pakiramdam?
 
2.  Paano nakakaapekto sa aking pag-iisip, pakiramdam, at pag-uugali ang mga pangkaraniwang ginagawa ko ngayon? Ang paraan ko ba ng pag-iisip o pagtingin sa mga bagay-bagay ay nagpapahintulot sa akin na maranasan ko ang gusto kong pakiramdam?
 
Ang akin bang iniisip at nararamdaman ay nakatutulong upang magawa ko ang mga nais kong gawin? Napabubuti ba ang mga ito ang aking buhay?
 
3. Kung patuloy akong mag-iisip, darama, at gagawa sa ganitong paraan, magiging mas madali ba sa akin na makamit ko kung ano ang nais ko sa hinaharap?
 
Matututunan mo sa mga ito na hindi makabubuti ang negatibong pagtingin sa mga pangyayari. Mali rin na payagang tuluyang masira ang mood dahil lang sa mga kaganapan.
 
Higit namang mali na makibahagi sa mga peligrosong pag-uugali tulad ng paglalasing o pagdudroga—maganda man o hindi ang nararamdaman. 
 
Dapat mong tandaan na mapipili mo kung paano mo titingnan ang mga bagay sa paligid mo. May kontrol ka sa iyong mga saloobin, damdamin, at gawi. Huwag kang papaalipin sa mga negatibong saloobin, hindi produktibong damdamin, at mapanirang pag-uugali.
 
Sa pamamagitan ng laging pagtataya mo sa iyong sariling iniisip, nadarama, at kinikilos, magugunita mon a mayroon kang kapangyarihang protektahan ang iyong sarili sa mga mapaminsalang kaisipan, damdamin, at pag-uugali … ituloy ang pagbasa
 
© Marissa G. Eugenio/OurHappySchool.com
 
Ang mga kaugnay na paksa ay mahahanap sa search engine sa taas o sa https://myinfobasket.com/.
 
SA MGA GURO:
Maaari itong gawing online reading assignment o e-learning activity ng klase. Pwedeng gamitin ang ganitong panuto:
“Hanapin sa search engine ng MyInfoBasket.com o OurHappySchool.com ang artikulong [buong pamagat ng lektura]. Intindihin ang nilalaman. I-share ito sa iyong social media account* kasama ng iyong simpleng summary sa essay. I-screen shot ang iyong pos at ipasa sa iyong guro.”
 
*Maaring i-share ang lecture na ito sa social media gaya ng FBTelegram, Twitter, Instagrame-mail, at mga kauri nito.
 
Sa mga Estudyante:
Maraming essay sa site na ito o sa MyInfoBasket.com ang makatutulong sa iyo. Mahahanap sa search engine sa bantang itaas.
 
Mga kaugnay na artikulo:

Sponsored Links