‘Ang Aking Bucket List’: Isang Aktibidad

Ang bucket list ay isang talaan ng mga bagay na nais mong tuparin sa iyong buhay. Ito ay hindi ang mga karaniwang layon sa buhay kundi mga pambihirang layunin.
 
May mga ang nag-iisip na ito ay para lamang sa mga matatanda, subalit maganda ring magsimulang magkaroon nito nang maaga.
 
Mahalaga ang pagkakaroon ng isang bucket list sapagkat pinananatili nito ang diwa ng pagtupad ng mga layunin at pangarap. Nananatiling buhay ang mga layunin at pangarap kahit di pa ito naisasakatuparan.
 
Ang pagtatala ng mga layon sa buhay ay nagbubunga ng kumpiyansa sa pagtupad at pagkamit ng mga adhikain sa buhay.

Layunin ng Aktibidad:

Ang gawaing ito ay naglalayon na bigyang oportunidad ang mga nagbibinata/nagdadalaga na makapag-isip tungkol sa mga bagay na gusto nilang magawa sa buhay.
 

Materyales:

Panulat (ballpen), papel o bond paper

Pamamaraan:

Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa pamamagitan ng pagsulat ng unang bagay na maisip.
 
1. Ano ang gagawin mo kung ikaw ay mayroong walang hanggang oras, salapi at mga mapagkukunan?
2. Ano ang gustong gusto mong gawin na hindi mo pa nagagawa?
3. Ano ang mga tagumpay na gusto mong makamit?
4. Kung papanaw ka na bukas, ano ang hihilingin mo bago ka mamatay?
5. Ano ang palagay mong pinakamahahalagang bagay na magagawa mo?
6. Sino ang gusto mong makita nang personal?
7. Ano ang mga kasanayan o akbitidad na gusto mong matutunan o masubukan?
8. Ano ang gusto mong makita nang personal?
9. Mayoon bang lugar o bansa na gusto mong mapuntahan? Ano ito?
10. Ano ang pinakamalaking layunin at pangarap mo sa buhay?
11. Anu-anong mga karanasan ang gusto mong maranasan?
12. Ano ang gusto mong sabihin sa iyong mga kaibigan? Pamilya?
13. Mayroon ka bang mga sandaling nais mong masaksihan?
14. Ano ang pinakahahangad mong makamit tungkol sa ibat ibang larangan ng iyong buhay: Panglipunan, Pag-ibig, Pamilya, Karera, Pinansyal, Kalusugan, ispiritwal?
15. Ano ang kinakailangan mong gawin upang mamuhay nang may kahulugan?
16. Anong mga pangarap o pantasya ang gusto mong isabuhay?
17. Anong pagkain ang gusting-gusto mong matikman?
18. Anong mga mapangkawanggawang gawain ang gusto mong gawin?
19. Kung dadalo ka sa inyong reunion, ano ang gusto mong ibalita sa iyong mga kamag-aral?
20.  Anong pamana ang gusto mong iwan sa mundo?

Talakyan/Pagbabahagi:

1. Mahirap bang sagutin ang mga katanungan sa iyong ‘Bucket List’?
2. Ano ang napagtanto mo tungkol sa aktibidad na ito?
3. Makatutulong bang magkaroon ng bucket list?
 
© Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
 
Kaugnay:

Sponsored Links