© Jensen DG. Mañebog
Narito ang ilan sa mga gawi o pamamaraan kung paano mapapangalagaan ang mga puno at halaman:
1. Pagtatanim at pangangalaga ng mga puno at halaman
Ang pagtatanim ng mga puno at halaman ay mahalagang paraan upang mapangalagaan ang kalikasan. Ang pagtatanim ng mga endemikong halaman o yung mga halaman na natural na tumutubo sa isang lugar ay makakatulong sa mabilis na pagpapalago ng mga puno at halaman. Ang regular na pag-aalaga tulad ng pag-aalis ng mga damo sa paligid ng mga puno at halaman, pagtanggal ng mga patay na bahagi ng halaman, paglalagay ng pataba, at pagdidilig ay mahalaga upang mapanatili ang kanilang kalusugan at paglago.
2. Pag-iwas sa sobrang paggamit ng mga kemikal
Ang sobrang paggamit ng kemikal tulad ng mga pestisidyo at fertilizer ay nakakasama sa kalikasan. Maaaring magdulot ito ng pagkasira sa lupa at mga puno at halaman. Sa halip, mas mainam na gumamit ng natural na mga pataba at pest control.
3. Pagtulong sa reforestation
Ang reforestation ay ang proseso ng pagtatanim ng mga puno at halaman sa mga lugar na nawalan ng mga kahoy o kagubatan. Maaaring makibahagi sa ganitong gawain na ginagawa ng mga paaralan o ng pamahalaan.
4. Pagtulong sa mga environmental organizations
Maaaring makatulong sa pangangalaga ng mga puno at halaman sa pamamagitan ng pagtulong o pagiging kasapi sa mga environmental organizations. Ang mga ito ay nakatuon sa mga proyekto at kampanya para sa pangangalaga ng kalikasan, gaya ng rehabilitasyon ng kagubatan.
5. Pagtulong sa pagpapalaganap ng kamalayan
Mahalagang mabigyan ng edukasyon at kamalayan ang mga tao tungkol sa kahalagahan ng mga puno at halaman sa kalikasan. Maaaring tumulong sa pamamagitan ng pagsi-share ng mga kampanya sa social media ukol sa pagpapahalaga sa tamang pangangalaga ng mga puno at halaman.
Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, makakatulong tayo sa pagpapanatili ng kagandahan ng kalikasan at maiwasan ang pagkasira nito.
Sa mga Mag-aaral:
Isulat ang inyong comment dito:
Likas na Yaman ng Pilipinas: Mga Produkto at Hanapbuhay na Nagmumula sa mga Yamang Lupa at Tubig