Alam natin na mahalaga ang mabuting pamumuno sa pagtugon ng pangangailangan ng mga tao sa komunidad. Sa lekturang ito, pag-aaralan naman natin kung sino ang mga taong nag-aambag sa kapakanan at kaunlaran ng komunidad na katulong ng pamahalaan.
Anu-ano ba ang iba-ibang paraan ng pagtutulungan ng pamahalaang pambayan, pamahalaang panlalawigan at iba pang tagapaglingkod ng pamayanan? Ano ang tinatawag na mga NGOs at ano ang ambag nila sa mga komunidad?
Ang bawat tao sa komunidad ay may bahagi at responsibilidad sa ikauunlad at ikalalago nito. Ang paglilingkod ay isang bahagi ng responsibilidad na ito.
Ano ang paglilingkod sa komunidad? Ito ang pagbibigay ng serbisyo upang matugunan ang iba’t-ibang pangangailangan ng mga tao sa komunidad. Sa komunidad, ang pamahalaan ang pangunahing nagbibigay serbisyo.
Subalit may mga pribadong samahan na hindi bahagi ng pamahalaan nagbibigay serbisyo sa mga komunidad nang walang bayad. Ito ay ang mga NGO.
Anu nga ba ang NGOs o DPO?
Ito ay mga samahan o grupo ng mga tao na hindi kaugnay o kinatawan ng pamahalaan. Binuo ang mga samahang ito upang magbigay ng paglilingkod o sebisyo sa lipunan. Ito ay nag-aalok ng iba’t-ibang makataong serbisyong nauukol sa:
- pangangalaga ng kalikasan
- pagbibigay ng kaalaman sa hanapbuhay (pagsasaka)
- mga serbisyong pangkalusugan at pang-edukasyon sa mga malalayong lugar.
Ang mga halimbawa ng NGOs ay ang mga sumusunod:
Isa itong NGO na naglalayong iligtas ang kapaligiran. Ang mga gawain nito ay pagkakampanya laban sa climate change at pag-aabuso sa karagatan, lupa at hangin .
Isa itong lokal na organisasyon sa Pilipinas na tumutulong sa pangangalaga ng kalikasan ng bansa. Isinusulong din nito ang pagtatangol at pagmamahal sa kalikasan mula sa mga taong nais manira nito. Nais nitong masubaybayan ang kalagayan ng mga “endemic species” na sa ating bansa lamang makikita.
Ang PAWS ay isang NGO na nakatuon upang mapangalagaan at maisulong ang makataong pagtrato sa lahat ng hayop. Tumutulong itong makahanap ng tahanan para sa mga hayop. Nangangampanya ito upang mapaglabanan ang paggamit ng mga hayop para sa libangan at mapahinto ang mga labanan ng mga hayop.
Ito ang isa sa pinakamalaking NGO sa buong mundo. Nakatuon ang organisasyong ito sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga taong ipinanganak na may cleft condition. Layunin nitong pagkalooban sila ng ligtas at epektibong operasyon at komprehensibong pangangalaga.
Ang Philippine Red Cross ay isa sa mga kilalang NGO sa Pilipinas. Layunin nitong tumulong sa mga tao sa pamamagitan ng iba’t-ibang serbisyo nito. Ang ilan sa mga aktibidad nito ay ang blood donation drive, disaster management at mga aktibidad na ukol sa kalusugan at kaligtasan.
Ito ay itinuturing na isa sa pinakamalaking NGO sa Pilipinas. Inilunsad ang Gawad Kalinga Community Development Founded noong taong 2003. Itinataguyod nito ang pagpapagaan ng kahirapan, at pagpapabuti ng buhay ng mga mamamayan. Ang layunin nito ay wakasan ang kahirapan para sa 5 milyong pamilya pagdating ng taong 2024.
Ito ay isang sangay ng United Nations at nangungunang makataong organisasyon na tumutugon sa isyu ng kagutuman. Ang mga serbisyo nito ay nakatuon sa pagpapagaan ng gutom at seguridad sa pagkain.
Bawat taon, ang organisasyong ito ay tumutulong sa 80 milyong tao sa humigit-kumulang 80 bansa. Nagkakaloob din ito ng tulong na pagkain sa panahon ng mga emerhensiya, nagliligtas ng mga buhay at nakikipagtulungan sa mga komunidad upang mapabuti ang nutrisyon.
Ito ay isang NGO na nakatuon sa pagkakaloob ng ligtas, disente, at abot-kayang tirahan sa mga tao. Tinutulungan nito ang mga tao sa pag-aayos at pagpapahusay ng kanilang mga tahanan at kapitbahayan. Nakikipagtulungan ang organisasyong ito sa mga lokal na komunidad upang matugunan ang mga pangangailangan sa pabahay matapos magkaroon ng mga kalamidad at sakuna.
Copyright © by Celine de Guzman/OurHappySchool.com
Tanong
Anong mabuting katangian ng mga tagapaglingkod ng pamayanan ang dapat taglayin ng mga kabataang tulad mo? Ipaliwanag.