Ang Mga Proyekto o Gawain ng Pamahalaan sa Kabutihan ng Lahat o Nakararami

Ang Mga Proyekto o Gawain ng Pamahalaan sa Kabutihan ng Lahat o Nakararami

Pag-aralan naman natin ang mga proyekto na nagpapaunlad sa natatanging pagkakilanlan ng komunidad. Ang karamihan sa mga ito ay mga proyekto at iba pang gawain ng pamahalaan sa kabutihan ng lahat o nakararami.

Importante ba ang mga proyektong nagsusulong ng natatanging pagkakilanlan ng Komunidad? Anu-ano ang halimbawa nito? Mahalaga ba ang paglahok dito?

Panuorin ang maikling educational video na: Pangangalaga sa Kapaligiran (Puno, Halaman, Hayop, at mga Yaman sa Kalikasan)

Ang Pagpapaunlad ng Natatanging Pagkakilanlan ng isang Komunidad

May mga proyekto na nagpapaunlad sa natatanging pagkakilanlan ng isang komunidad. Ang aktibong pakikilahok o pakikisalii dito ng mga miyembro ng komunidad ay malaki ang maitutulong sa layuning ito. Isa rin itong tungkulin ng responsableng miyembro ng isang komunidad.

Anu-ano ang mga halimbawa ng mga proyektong ito?

1. PROYEKTONG NANGANGALAGA SA LIKAS NA YAMAN

Ang mga likas na yaman tulad ng mga anyong tubig at anyong lupa na matatagpuan sa mga komunidad ay isa sa mga pagkakilanlan nito. Ang mga proyektong nangangalaga at nagpapanatili sa kalinisan at kaayusan ng mga likas na yaman ay makapagpapaunlad ng pagkakinlanlang ito.     

Clean and Green Program /Sagip Kalikasan

Ang proyektong ito ay nagsusulong ng kalinisan at kaayusan ng komunidad. Kasama rito ang tamang pagtatapon ng basura at waste segregation o paghihiwalay ng mga basang basura sa tuyong basura.   

Paglilinis sa Ilog

Isang proyekto ito para sa mga komunidad na may nasasakupang ilog o anyong tubig. Mahalagang mapanatili ang kalinisan ng mga anyong tubig para na rin sa kalusugan ng mga nasa komunidad.

Pag-iwas sa paggamit ng Dinamita

Ang hindi paggamit ng dinamita ay isang paraan din upang maingatan ang mga anyong tubig at ang  mga isda at halamang dagat na naninirahan dito.

Tree Planting o Pagtatanim ng Puno

Ito ang proyektong naglalayong madagdagan ang mga puno at halaman sa komunidad lalo na sa mga nakakalbong kagubatan sa pamamagitan ng pagtatanim.

2. GAWAING NAGPAPAHALAGA SA MGA TRADISYON AT KULTURA

Ang bawat komunidad ay may mayamang tradisyon at kultura na isa sa pagkakakilanlang kultural nito. Ang pagpapahalaga sa mga nakagisnang tradisyon at kulturang ito ay makapagtitiyak na mapapanatili, hindi makakalimutan at maisasalin ang mga ito sa susunod pang henerasyon.

Ang pagtuturo, pagpapakilala at patuloy na pagsasagawa ng mga tradisyong ito makapagpapanatili sa mga ito.

MGA TRADISYON

Bayanihan

Ito ay ang maramihang pagtutulungan para sa anumang bagay o gawain. Isa itong maipagmamalaking kaugalian o tradisyon ng mga Pilipino.

Paggalang sa Matatanda

Ang pagpapakita ng paggalang sa matatanda sa pamamagitan ng pagmamano at pagsagot ng po at opo ay isang tradisyong Pilipino.

Malugod na Pagtanggap o Hospitality

Kilala ang mga Pilipino sa maayos na pagtanggap ng mga bisita.

Relihiyoso

Pagiging kaanib sa isang partikular na pangkat ng relihiyon tulad ng Katoliko, Iglesia Ni Cristo, Protestante, Muslim at iba pa upang magsagawa ng mga pagsamba at pagpupuri sa Panginoong Diyos

Palabra de Honor

Pagkakaroon ng isang salita at paninindigan sa pagtupad ng pangako o kasunduan.

Panghaharana

Ang pagpunta ng lalaki sa tahanan ng sinisinta upang maipakita ang malinis na hangarin at pagmamahal.

Pamamanhikan

Ang pagpunta ng lalaki sa bahay ng nobya upang pormal na hingin ang kamay sa mga magulang nito at nakaharap ang sarili niyang mga magulang at iba pang mahal sa buhay.

Pagsasalo-salo

Ang tradisyon ng pagsasama samang pagdiriwang ng pamilya at mga kaanak sa mga mahahalagang okasyon tulad ng kaarawan, kasal, binyag, pagtatapos at iba pa.

Pakikisama

Ang maayos na pakikibagay, pakikitungo at pakikipagkasundo sa kapuwa.

Pakikiramay

Ang kakayahan ng isang tao na maunawaan ang nadarama ng iba at ipalagay na siya ay nasa ganoon ding kalagayan. Inilalagay nila ang kanilang sarili sa sitwasyon at dinadama kung ano man ang nadarama ng iba.

Copyright © by Celine de Guzman/OurHappySchool.com

Gawain:

Magsulat ng iyong mungkahing programa na dapat buoin ng pamahalaan para sa mga kabataang tulad mo. Ipaliwanag.

 

Para sa mga komento, gamitin ang comment section sa:  Ang Iba’t Ibang Programa, Polisiya, At Patakaran Ng Pamahalaan At Ng Mga Pandaidigang Samahan Tungkol Sa Climate Change

Sponsored Links