Ang Panahon at Kalamidad sa Sariling Komunidad

Ano ang mga uri ng panahon at mga kalamidad na nararanasan sa sariling komunidad?

Marahil ay nasubukan mo nang makapanuod ng balita na may bahaging pag-uulat ng lagay ng panahon. Tinatalakay sa pag-uulat ang kasalukyang panahon at magiging taya nito sa mga paparating na araw.

Basahin din: Ang Pagkakaroon Ng Disiplina At Kooperasyon Sa Pagitan Ng Mga Mamamayan At Pamahalaan Sa Panahon Ng Kalamidad

Ang Panahon at Kalamidad Na Nararanasan Sa Sariling Komunidad

Ano ba ang panahon? At ano kaya ang uri ng panahon sa iyong komunidad?

Tara, pag-aralan natin at talakayin ang tungkol sa mga ito.

Ano ang panahon?

Ito ay ang pang-araw-araw na kalagayan ng kapaligiran, o hangin sa isang lugar sa maikling panahon.

Ang klima naman ay ang karaniwang kondisyon ng panahon sa isang lugar sa loob ng mahaba habang panahon.

Mahalagang maisaalang-alang ang panahon sa komunidad. May epekto ito sa kaginhawahan, suplay ng pagkain at kaligtasan ng mga nasa komunidad.

Kaugnay: Mga Wastong Gawain at Pagkilos sa Tahanan at Paaralan sa Panahon ng Kalamidad

Ano ang iba’t-ibang uri ng panahong nararanasan sa komunidad?

Sa Pilipinas, ang panahon sa pangkalahatan ay mainit at medyo mahalumigmig. Sa araw-araw, may mga pagbabago sa panahon. Ito ay maaaring maaraw, maulap, mahangin, maulan at mabagyo.

Maaraw

- mataas ang sikat ng araw

- walang ulap o halos hindi makita ang ulap sa kalangitan

- masarap maglaba dahil madaling matuyo ang sinampay

- maaaring magpatuyo ng isda, palay at iba pa

Maulap

- mas maraming ulap kaysa sikat ng araw

- halos di makita ang araw

Mahangin

- malakas ang hangin sa paligid

- makikita ang pag-ugoy ng mga puno sa lakas ng hangin

- magandang magpalipad ng saranggola

Maulan

- may malakas na pagbuhos ng ulan dahil hindi na kaya ng mga ulap ang

napunong tubig dito

- nagkakaroon ng mga pagbaha sa ilang lugar

Mabagyo

-malalakas na pag-ulang kasama ng malalakas na hangin

- may mga babalang ipinararating ang PAGASA

- nabubuwal ang puno at lumilipag ang mga y ero

             - minsan ay nagdudulot ng pagkawala ng kuryente

             - maraming nasisirang kabahayan at ari-arian

Sa kabilang banda, sa ating bansa ay may dalawang uri ng klima o panahong nararanasan sa mahaba habang panahon, ito ay ang tag-init at tag-ulan.

TAG-INIT

Ang tag-init ay panahon kung saan nararanasan ang mainit o maalinsangang temperatura. Sa mga panahong ito ay mataas ang tirik ng araw. Madaling matuyo ang mga damit na nilabhan. Magandang maglaro ang mga bata sa labas. Ang sakop na mga buwan ng tag-init ay Disyembre hanggang Mayo.

Bagamat sa panahong ito ay mararanasan din ang malamig na panahon dulot ng hanging amihan. Ang hanging amihan ay isang malamig na temperatura ng hanging galing sa mga bansa sa hilagang silangan tulad ng Japan, South Korea, China at Siberia.

Sa panahong ito ay maaring makaranas ng El Niño na sanhi ng pag-init ng temperatura ng ibabaw ng dagat sa Pasipiko na may epekto sa mga alon ng hangin at dagat. Ang El Niño ay nagbubunga ng dry spell at tagtuyot dahil sa pagkabawas ng ulan.

TAG-ULAN

Ang tag-ulan ay panahong mararanasan ang maraming pagpatak ng ulan at pagdating ng mga bagyo. Malamig ang temperatura sa panahong ito. Ang sakop na mga buwan ng tag-ulan ay mula Hunyo hanggang Nobyembre.

Sa panahon naman ng tag-ulan ay maaring maganap Ang La Niña. Ito naman ang kabaligtaran ng El Niño. Maaaring makapagdulot ito ng malalakas na bagyo sa iba’t-ibang lugar.

Ituloy ang pagbasa sa: Mga Natural na Kalamidad o Sakunang Madalas Maganap sa Sariling Komunidad

Copyright © by Celine de Guzman/MyInfoBasket.com

 

Sa mga mag-aaral: Gamitin ang COMMENT SECTION sa:  Mga Natural na Kalamidad o Sakunang Madalas Maganap sa Sariling Komunidad

Sponsored Links