Mahalagang magkaroon ng kabatiran ukol sa karahasan at pambubully na nangyayari sa ating mga iskwelahan o paaralan at gayundin ang iba't ibang epekto at dulot nito, hindi lamang sa taong nakararanas nito kundi pati sa nakakagawa nito.
Napakaraming bagay ang dapat talaga nating malaman patungkol dito. Kadalasang hindi nabibigyan ng atensyon ang problema o isyung ito.
Bilang isang estudyante, ako rin ay nagkaroon ng iba't ibang mga kaibigan na nakakasalamuha. Kabilang rito ay ang mga asaran at biruan. Noon ay akala ko rin na hindi malaking bagay ang mga asaran at biruan na ito pagkat kabilang ito sa pagkakaroon ng kasiyahan kasama sa mga kaibigan at gayundin kabilang sa pagdadalaga at pagbibinata.
Ngunit habang napupukaw lalo ang aking isipan patungkol sa mga ganitong isyu, aking natutunan na ang mga bagay na ito ay kailangang may hangganan. Nang dahil sa mga lektura o modyul ukol dito, mas natutunan ko na pahalagahan at bigyan lalo ng atensyon ang isyung ito na napakalaki na ang epekto sa mga mag-aaral.
Kaya bilang estudyante ay pangungunahan ko ang pag-iingat sa aking sarili sa mga bagay na maaring makasakit sa kapwa kong estudyante at papahalagahan lalo ang iba't ibang nararanasan ng bawat isa sa amin.
Copyright © by Senna Micah Mañebog
Kaugnay na Assignment:
Add new comment