Proyektong Panlipunan ukol sa mga May Kapansanan
© Marissa G. Eugenio
Makatwiran lamang na bumuo ang mga institusyon ng mga proyektong panlipunan ukol sa mga may kapansanan o Persons With Disability (PWDs).
Narito ang ilang halimbawa:
1. Pagpaparami ng tagapayo para sa mga may kapansanan
Dapat na mapaunlad at masanay ang mga tagapayo (counselors) para sa mga taong may kapansanan. Ito ay upang dumami rin ang mga tagapayo na makatutugon sa pangangailangan ng mga taong may kapansanan.
Ang sistema ng 24-oras na konsultasyon (sa pamamagitan ng telepono o internet applications) ay dapat na maipalaganap.
2. Pagproteksiyon sa mga karapatan ng mga taong may kapansanan
Gumawa ng mga programa upang maprotektahan ang karapatan ng mga may kapansanan, gaya ng Community Social Right-Protection System at Guardianship Systems for Adults. Ito ay upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga taong may kahinaan sa pagpapasiya.
Makatwiran din na lumikha ng mga sistemang tunay na aasikaso sa mga pang-aabuso sa kanila o pagtapak sa kanilang karapatan.
Kaya naman, bilang bahagi ng sistema at serbisyong pangkagalingan sa mga komunidad, tama lang na isulong ang pagkakaroon ng isang programa ukol sa pagtatanggol sa karapatan ng mga taong may kapansanan.
3. Pagsusulong ng isports, kultura, at aktibidad pansining para sa PWDs
Ukol sa mga pagtatanghal sa sining at kultura, iba’t ibang kaparaanan at pagsasaayos ang dapat na ipatupad, kabilang na ang serbisyong pagbibigay impormasyon sa pamamagitan ng
captions o
voice guidance, at diskwento sa
admission fee at sa paggamit ng mga kagamitan
… ituloy ang pagbasa
© Marissa G. Eugenio
Ang lekturang ito sa Pambungad sa Pilosopiya ng Tao ay tumutugon sa sumusunod na Layunin sa Pampagkatuto:
6.4 Nakapagsasagawa ng isang gawain na nagpapamalas ng mga talento ng mga may kapansanan at kapus-palad
SA MGA GURO: Maaaring ipabasa ang lekturang ito sa mga estudyante sa pamamagitan ng pag-share o pag-link nitong webpage