Mahalaga sa mga Pilipino na natutukoy ang mga paghahanda na nararapat gawin sa harap ng mga kalamidad.
Isa ito sa mga pamantayan sa pagkatuto na dapat matugunan ng mga estudyanteng kumukuha ng araling Mga Kontemporaryong Isyu sa Pilipinas (Baitang 10).
(Para sa MELC 1 ng Mga Kontemporaryong Isyu, basahin ang: Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu)
Narito ang ilan sa mga mungkahing paghahanda sa harap ng kalamidad:
Marapat na tandaan ang mga sumusunod na payo at suhestiyon:
1. Biglaang nagaganap ang landslide hindi tulad ng bagyo at baha na mayroong pinararating na babala. Posibleng magkaroon ng mga pagguho matapos ang mga paglindol at kasunod na aftershocks kaya ito rin ang magiging babala para sa tao. Kapag matindi naman ang ulan na magreresulta sa pagkababad ng lupa, dapat mababalaan na ang mga tao na posibleng magkaroon ng mga pagguho.
2. Pumili ng lugar na ligtas sa mga kalamidad at kung posible, huwag nang magtayo ng mga tahanan o imprastruktura na ‘prone’ sa landslide upang hindi malagay sa panganib. (Kaugnay Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan)
3. Para sa ikaliligtas ng komunidad, magandang bumuo ng maayos na sistema ng babala ukol sa lindol at kaakibat nitong landslide at ito ay marapat na ipag-bigay alam sa mga tao sa komunidad o pamayanan. Magtindig ng mga warning stations na palagiang updated para sa mabilis na pagpapakalat ng mga babala.
4. Mahalagang magkaroon ng contingency plan para sa evacuation ng mga tao kapag may mga panganib ng kalamidad tulad ng landslide. Siguruhing may maitatalagang mga relocation site para sa mga mamamayan para sa kanilang kaligtasan. (Kaugnay: Ang Mga Hakbang Ng Pamahalaan Sa Pagharap Sa Mga Sulliraning Pangkapaligiran Sa Sariling Pamayanan)
5. Mabisang gamit ang mga ‘rain gauge’ sa pagsuri ng dami ng ulan. Ang isang rain gauge tulad ng udometer, pluviometer, o isang ombrometer ay instrumenting ginagamit upang mamonitor at masukat ang dami ng ulan sa isang lugar.
Dapat pag-isipang mabuti kung saan ilalagay ito upang maging wasto ang kaukulan nito at maging tamang basehan ng warning signal. Magsagawa rin ng training o pagtuturo kung paano gamitin ito sa pagbasa ng ‘rain gauge’. (Kaugnay: Wastong Gawain at Pagkilos sa Tahanan at Paaralan sa Panahon ng Kalamidad)
6. Malaki ang posibilidad na ma-isolate ang ilang mga lugar o barangay kung magkakaroon ng pagguho ng mga bundok. Kaya, ang lokal na pamahalaan ay dapat maging maagap at maghanda ng mga relief goods upang matugunan ang ganitong mga sitwasyon.
7. Dapat magkaroon ng striktong pagpapairal ng batas sa pagtotroso. Gayundin, dapat makalika ng mga programa o polisiya na nakaukol sa pagpapaami at pagtatanim ng mga puno. (Paghahanda para sa pandemya)
Para sa paghahanda na dapat gawin sa panahon iba pang panganib at kalamidad, sangguniin ang artikulong “Mga Paghahanda sa Harap ng Kalamidad” sa AlaminNatin.com at ang: Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran