Sa isang online article ni Prof. Jensen DG. Mañebog, inilahad niya kapwa ang mga positibo at negatibong epekto ng political dynasty sa bansa.
Sa bahaging positibo ay ganito ang kaniyang inilista:
1. Kung ang political dynasty ay maka-serbisyo, maipagpapatuloy ang pagpapatupad ng mga maaayos at epektibong pampamahalaang proyekto.
2. Hinihikayat ng sistema ang mga miyembro ng political dynasty na magbigay ng magandang serbisyo, dahil ang tiwala sa mabuting pangalan ng pamilya ang magluluklok sa kanila sa kapangyarihan maging sa mga susunod na pagkakataon.
3. Ang political dynasty ang may pang-ekonomiyang kontrol sa mga pangunahing tagapagpakilos ng industriya. Mas kaunti, kung gayon, ang pagkaantala sa pagpapatupad ng mga proyekto.
4. Ang mga kilalang pamilya sa pulitika na silang nangingibabaw sa industriya ay nakaaakit sa mga multinasyonal na korporasyon at mga dayuhang mamumuhunan na magnegosyo sa bansa at ito ay nakapagpapalago ng ekonomiya.
5. Mas madaling magpatupad ng peace and order at magkamit ng kaunlaran kung ang mga nasasakupan ay “saludo” at may loyalty sa isang political dynasty na kanilang pinagkakatiwalaan sa loob ng marami nang henerasyon ... ituloy ang pagbasa
KARUGTONG: Ang Sanhi at Epekto ng Political Dynasties sa Pagpapanatili ng Malinis at Matatag na Pamahalaan
Para sa MELC 1 ng Mga Kontemporaryong Isyu: Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu
Kaugnay: Konsepto ng Kontemporaryong Isyu; Kontemporaryong Isyu Kahulugan
Tunghayan: Jose Rizal: The First Filipino Phenom by Jensen DG. Mañebog
Basahin: Mga Halimbawa ng Kontemporaryong Isyu
To STUDENTS: Write your ASSIGNMENT here: Pagkilala sa Pagkabukod tangi ng Lahing Pilipino