Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan ng paglalapat ng mga aral ng pananampalataya sa mga sitwasyon sa pamilya:
1. Pampamilyang pananalangin
Ang pananalangin ay isa sa mga paraan upang maipakita ang pananampalataya sa Diyos at makapagpasalamat sa mga biyaya na ibinigay sa atin at sa ating tahanan. Sa pamilya, ang pananalangin nang sama-sama ay nagbibigay ng pagkakataon upang mapalakas ang samahan ng bawat miyembro ng pamilya at maipadama ang pagmamahal at pagkalinga sa isa't isa.
Panuorin:
2. Pagbibigay
Ang pagbibigay ay aral ng pananampalataya. Sa pamilya, ang pagbibigay ng panahon, atensyon, o tulong sa mga kasapi nito ay nagpapakita ng pagmamahal at pagkalinga sa isa't isa. Ito ay maaaring magdulot ng kasiyahan at lalong pagkakaisa sa loob ng pamilya.
3. Pagpapatawad
Ang pagpapatawad ay isang mahalagang bahagi ng pananampalataya. Sa pamilya, ang pagpapatawad ay nagbibigay ng pagkakataon upang makapagbago ang nakagawa ng pagkakamali o pagkukulang. Mahalagang mapag-usapan nang maayos ang mga problema. Maging bukas sa pagpapatawad. Ang nagkamali naman ay dapat magbago at iwasan ang mga maaaring magdulot ng hidwaan sa loob ng pamilya.
4. Pagtitiwala
Ang pagtitiwala sa Diyos ay isa sa mga pundasyon ng pananampalataya. Sa pamilya, mahalaga ang pagtitiwala sa bawat isa. Mahalaga na magtiwala sa kakayahan at katapatan ng bawat miyembro ng pamilya. Kaugnay nito, pananagutan ng bawat isa na huwag namang sirain ang pagtitiwala ng kaniyang mga mahal sa buhay.
5. Pagmamahal
Ang pagmamahal ang pinakamahalagang aral sa pananampalataya. Sa pamilya, ang pagmamahal ay pagpapakita ng pagmamalasakit at pagkalinga sa bawat isa. Ito ay nagbibigay ng lakas at pag-asa sa loob sa bawat miyembro ng pamilya. Ang pagmamahal ang nagbubunsod sa mga magulang na kalingain ang mga anak at nagtutulak sa mga anak na igalang ang mga magulang.
Ang paglalapat ng mga aral ng pananampalataya sa mga sitwasyon sa pamilya ay nagpapatibay ng samahan at pagkakaisa sa pamilya. Ang pagbibigay-halaga sa pamilya ay isang paglalapat ng mga aral ng pananampalataya.
Sa mga Mag-aaral:
Isulat ang inyong comment dito:
The Influences of Religion to Culture and Society