Mga Proyekto o Gawaing Nagpapaunlad sa Natatanging Pagkakilanlan ng Komunidad
May mga proyekto o mungkahi na nagpapaunlad sa natatanging pagkakilanlan ng isang komunidad o pangkat etnolingwistiko.
Ang ilan sa mg halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
Ang halimbawa nito ay ang tulad ng Clean and Green Project/Sagip Kalikasan, Paglilinis sa Ilog, Pag-iwas sa paggamit ng dinamita, Tree Planting o pagtatanim ng puno. (Kaugnay: Likas na Yaman ng Pilipinas: Mga Produkto at Hanapbuhay na Nagmumula sa mga Yamang Lupa at Tubig)
Ang pagtuturo, pagpapakilala at patuloy na pagsasagawa ng mga tradisyon ay makapagpapanatili sa mga ito. Ang ilang halimbawa ay ang mga sumusunod:
-Bayanihan
-Paggalang sa Matatanda
-Malugod na Pagtanggap o Hospitality
-Relihiyoso
-Palabra de Honor
-Panghaharana
-Pamamanhikan
-Pagsasalo-salo
-Pakikisama
-Pakikiramay
Basahin din: Kultura ng Pilipinas: Ang Pagkakakilanlang Kultural at mga Produkto ng Komunidad
Mga pagsasagawa ng mga pagdiriwang o festivals tulad ng Panagbenga, Kadayawan, Tuna, Bangus, Bawang, Pahiyas, Sapatos, Sisig, at Durian.
Basahin: Mga Proyekto at Festival ukol sa Pagtangkilik sa Sariling Produkto
Halimbawa ay ang paggamit ng makabagong teknolohiya tulad ng internet at social media upang maipakita sa iba ang natatatanging pagkakilanlan ng komunidad. Makatutulong ang pagpopost ng magagandang larawan ng mga pasyalan sa komunidad.
Basahin: Ang Mga Taong Nag-aambag sa Kapakanan at Kaunlaran ng Komunidad at ang Mga NGO
Maaari ring gawin din ang paghikayat sa mga kaibigan na bisitahin o dalawin ang komunidad na may natatanging pagkakilanlan.
Narito pa ang ilang halimbawa:
1. Nakikilahok ang mga tao sa mga pagdiriwang ng kanilang komunidad upang mapanatili ito.
2. Inilalagay ang mga basura sa tamang tapunan para hindi dumumi sa komunidad.
3. Nagpapakita ng paggalang ang mga kabataan sa pamamagitan ng pagmamano sa matatanda.
4. Sumasama sa pagtatanim ng mga puno sa komunidad.
5. Binibili ng mga tao ang mga produktong gawa sa kanilang komunidad.
6. Ang mga mangingisda ay iniiwasan ang paggamit ng dinamita
7. Ibinabahagi ng mga kabataan ang magagandang pasyalan sa komunidad gamit ang social media.
8. Dinadamayan ng mga tao sa komunidad ang kanilang kapwang biktima ng kalamidad.
9. Itinuturo ng mga magulang ang mga tradisyong nakagisnan sa kanilang mga anak.
10. Nagsasanay ang mga kabataan sa pagluluto ng mga lutuing nagpapakilala sa kanilang komunidad.
Bilang bahagi ng komunidad, kailangan ang pagkakaisa, kooperasyon at pagtutulungan sa pagsasagawa ng mga gawain at proyekto sa ikauunlad ng pagkakilanlan nito. (Kaugnay: Ang Kahalagahan Ng Kooperasyon ng Mamamayan at Pamahalaan)
Copyright © by Celine de Guzman/MyInfoBasket.com