Mga Kilalang Pilipino sa Isports: Nagpatanyag sa Watawat at Pambansang Awit ng Pilipinas

Mga Kilalang Pilipino sa Isports: Nagpatanyag sa Watawat at Pambansang Awit ng Pilipinas

May mga Pilipinong nakilala sa larangan ng isports o palakasan. Kabilang sila sa nagpakilala at nagpatanyag sa watawat o bandila at pambansang awit ng Pilipinas.

Sa kanilang pagwawagi sa mga labanan, nakikita ng maraming tao sa buong mundo ang itinataas na watawat o bandila ng Pilipinas at naririnig ang ipinatutugtog na pambansang awit ng Pilipinas.

Kaugnay: Mga Personal na Salik sa Pagpili ng Kurso, Trabaho o Bokasyon

Narito ang ilan sa mga mga kilalang Pilipino sa isports o palakasan:

Hidilyn Diaz

Si Hidilyn Diaz ay isang Pilipinang weightlifter at airwoman. Siya ang unang atletang nagwagi ng medalyang ginto sa Olympics para sa Pilipinas noong 2021 sa Tokyo, Japan.

Sa kanyang mga unang taon sa weightlifting, nakakuha siya ng bronze medal sa 2007 SEA Games sa Thailand at naging ika-10 puwesto sa 2006 Asian Games sa 53-kilogram na klase.

Noong Hulyo 26, 2021, nanalo siya ng medalyang ginto sa 2020 Summer Olympics sa Tokyo. Ito ang unang medalyang napanalunan ng isang Pilipinong atleta mula ng unang pagsali ng bansa sa Olympics noong 1924.

Manny Pacquiao

Si Manny Pacquiao ay isang World Boxing Champion. Siya ang unang Pilipinong boksingerong nanalo sa walong dibisyon sa boksing. Nanalo rin siya ng 10 titulo at unang nakakamit ng panalo sa Lineal Championship sa apat na ibat ibang klase ng timbang.

Paeng Nepomuceno

Si "Paeng" Nepomuceno ay isang Filipino bowler at coach at anim na beses na World bowling champion. Isa siyang World Bowling Hall of Famer at ang una at nag-iisang bowling athlete na ginawaran kasama ang prestihiyosong IOC (International Olympic Committee) Presidents Trophy.

Tinanghal din siyang International Bowling Athlete of the Millennium ng FIQ (Federation Internationale des Quilleurs) noong 1999. Noong 2018 ay naluklok siya sa Philippine Sports Hall of Fame.

Efren Bata Reyes

Si Efren Bata Reyes ay isang Pilipinong propesyonal na manlalaro ng billiards.  Siya ay nagwagi sa mahigit na 70 internasyonal na titulo. Siya ang unang manlalaro na nagwagi sa world championships sa dalawang magkaibang disiplina ng billiards.

Ang ilan sa titulo niyang nakamit ay ang four-time World eight-ball champion, Matchroom Sport 1999 World Professional Pool Championship winner, three-time U.S. open winner, two-time World Pool League Winner at 14-time Derby City Classic winner.

Related: 10 Modern Ways to Express Filipino Nationalism

Copyright © by Celine de Guzman/MyInfoBasket.com

Sa mga mag-aaral:
Gamitin ang COMMENT SECTION dito: Ang Kahalagahan Ng Kooperasyon ng Mamamayan at Pamahalaan

 

Sponsored Links