Ilang Proyektong Panlipunan ukol sa mga May Kapansanan

Proyektong Panlipunan ukol sa mga May Kapansanan
© Marissa G. Eugenio
 
Makatwiran lamang na bumuo ang mga institusyon ng mga proyektong panlipunan ukol sa mga may kapansanan o Persons With Disability (PWDs).
 
Narito ang ilang halimbawa:
1. Pagpaparami ng tagapayo para sa mga may kapansanan
Dapat na mapaunlad at masanay ang mga tagapayo (counselors) para sa mga taong may kapansanan. Ito ay upang dumami rin ang mga tagapayo na makatutugon sa pangangailangan ng mga taong may kapansanan.
 
Ang sistema ng 24-oras na konsultasyon (sa pamamagitan ng telepono o internet applications) ay dapat na maipalaganap.
 
2. Pagproteksiyon sa mga karapatan ng mga taong may kapansanan
Gumawa ng mga programa upang maprotektahan ang karapatan ng mga may kapansanan, gaya ng Community Social Right-Protection System at Guardianship Systems for Adults. Ito ay upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga taong may kahinaan sa pagpapasiya.
 
Makatwiran din na lumikha ng mga sistemang tunay na aasikaso sa mga pang-aabuso sa kanila o pagtapak sa kanilang karapatan.
 
Kaya naman, bilang bahagi ng sistema at serbisyong pangkagalingan sa mga komunidad, tama lang na isulong ang pagkakaroon ng isang programa ukol sa pagtatanggol sa karapatan ng mga taong may kapansanan.
 
3. Pagsusulong ng isports, kultura, at aktibidad pansining para sa PWDs
Isulong ang mga proyektong pagpapaunlad para sa mga may kapansanan upang makasali sila sa iba’t ibang aktibadad pang-isports at pangkultura, gaya ng pagkakaroon ng mga pasilidad na magagamit din ng mga may kapansanan at pagkakaroon ng mga magtuturo sa kanila. (Kaugnay: Kultura ng Pilipinas: Ang Pagkakakilanlang Kultural at mga Produkto ng Komunidad)
 
Ukol sa mga pagtatanghal sa sining at kultura, iba’t ibang kaparaanan at pagsasaayos ang dapat na ipatupad, kabilang na ang serbisyong pagbibigay impormasyon sa pamamagitan ng captions o voice guidance, at diskwento sa admission fee at sa paggamit ng mga kagamitan … ituloy ang pagbasa
 
 
© Marissa G. Eugenio
 
Ang lekturang ito sa Pambungad sa Pilosopiya ng Tao ay tumutugon sa sumusunod na Layunin sa Pampagkatuto:
6.4 Nakapagsasagawa ng isang gawain na nagpapamalas ng mga talento ng mga may kapansanan at kapus-palad
 
SA MGA GURO: Maaaring ipabasa ang lekturang ito sa mga estudyante sa pamamagitan ng pag-share o pag-link nitong webpage
 
 
Para sa assignment o komento, ilagay sa comment section ng: 
 

Subjects:

Sponsored Links