© Marissa G. Eugenio
Mahalagang kakapagsasagawa ang mga institusyon ng isang gawain na nagpapamalas ng mga talento ng mga may kapansanan at kapus-palad.
Narito ang ilang programa para sa mga may kapansanan (gya ng Persons With Disablity o PWDs) at mga kapus-palad:
1. Gawing ang paglalakbay sa himpapawid ay bukas sa lahat
Ang ilang may kapansanan ay mga aktibong negosyante na may maningning na karera at pinagpipitaganan sa kanilang kani-kaniyang larangan. Gayunman, marami ang hindi na bumibiyahe lulan ng eroplano dahil, halimbawa, hirap silang makagamit ng banyo.
Nakaranas ng mga di kanais-nais na karanasan sa paliparan o maging habang nasa himpapawid ang maraming may kapansanan —naiiwang walang maupuan at di makagamit ng banyo. Ang di paggalang o di pag-intindi sa mga manlalakbay na may kapansanan ay maaaring makapagdulot ng trauma sa kanila.
Para makatugon nang angkop, dapat na tanungin ng mga kinauukulan ang manlalakbay na may kapansanan kung ano ang kanilang kailangan. Gayundin, ang mga major airlines ay dapat magsagawa ng pagsasaliksik upang lalong mapagbuti ang akomodasyon sa mga may kapansanan.
Para sa mga indigent, ay maaari namang magkaloob ng discounts o promo.
2. Palaganapin ang tamang pagtuturing sa kanila
Laging gunitain na sila man ay mga tao rin. Ito marahil ang pinakaimportante at pangunahin. Minsan ay nalilimutan ng marami na ang buhay ng isang tao ay kulminasyon ng iba’t ibang aspeto at hindi lamang kung ano ang kanilang kaanyuan o kung ano ang antas nila sa lipunan.
Minsan, nakalilimot ang iba na ang isang taong may kapansanan o isang nagmula sa kapus-palad na sektor ng lipunan, una sa lahat, ay isang tao na may mga mithiin din, may talento at kasanayan, at may damdamin ding nasasaktan at nasusugatan gaya ng iba.
Kapag ganito ang pagtingin sa kanila ng lipunan, lalo nilang maipamamalas ang kanilang mga talento at kakayahan. Tandaan na sa sangkatauhan ay kabilang ang lahat ng tao, pati na ang mga taong may kapansanan at mga nagmula sa kapus-palad na sektor ng lipunan
… ituloy ang pagbasa
© Marissa G. Eugenio
Layunin sa Pampagkatuto:
6.4 Nakapagsasagawa ng isang gawain na nagpapamalas ng mga talento ng mga may kapansanan at kapus-palad
SA MGA GURO: Maaaring ipabasa ang lekturang ito sa mga estudyante sa pamamagitan ng pag-share o pag-link nitong webpage