Mga Epekto Ng Pang-Aabuso Sa Buhay Ng Tao Sa Pamayanan At Bansa

© Marissa G. Eugenio

Anu-ano nga ba ang mga halimbawa ng masamang epekto ng pang-aabuso? Narito ang ilang kasagutan:

1. Ang mga inaabuso ay malimit na masaktan nang pisikal at magkaroon ng mga pasa. Ngunit mas malala sa pisikal na sugat ay ang emosyonal na pinsala sa kanila na kikimkimin nila nang matagal at may masamang epekto sa kanila.

2. Ang mga biktima ng pang-aabuso ay nagkakaroon ng problemang sikolohikal gaya ng trauma, post-traumatic stress disorder (PTSD), anxiety, at depression. Sila rin ay karaniwan ng nagiging anti-social, mababa ang self-esteem at self-confidence, at madalas na nakatulala.

3. Dahil sa awa sa sarili, galit, at kawalang magagawa, ang ilang biktima ng pang-aabuso ay nagpapakita ng self-destructive behaviors o nagtatangkang magpakamatay.

4. Ang mga biktima ng pang-aabusong sekswal ay nagkakaroon ng negatibong pananaw ukol sa seks, taliwas sa mabuti at sagradong kaukulan nito.

5. Upang makalimot sa pangit na karanasan, ang ilan sa mga biktima ng pang-aabuso ay nauuwi sa pagiging lasenggero o paggamit ng bawal na gamot.

6. Ang ilang biktima ng sekswal na pang-aabuso ay bumabagsak sa prostitusyon. Dahil na rin sa kawalan ng tiwala sa sarili, wala silang lakas ng loob na humanap ng marangal na trabaho ... ituloy ang pagbasa

Ano naman ang epekto ng PROSTITUSYON?

© Marissa G. Eugenio

BASAHIN: Epekto Ng Prostitusyon At Pang-Aabuso Sa Buhay Ng Tao Sa Pamayanan At Bansa

Tags: Mga Epekto ng Pang-aabuso sa Karapatan; pang-aabuso meaning tagalog

 

SA MGA MAG-AARAL: Gamitin ang comment section dito

Sponsored Links