Ang bawat komunidad ay may sariling kultura.
Ano kaya ang pagkakakilanlang kultural ng mga komunidad? Anu-ano ang mga katangiang nagpapakilala sa isang komunidad?
Ang kultura ay ang mga katangian o paraan ng pamumuhay ng mga grupo ng tao sa isang komunidad tulad ng mga kaugalian, paniniwala, tradisyon.
Kasama rin dito ang mga produkto, lutuin, tanyag na anyong lupa at anyong tubig at tanyag na kasapi ng komunidad.
Ang pagkakakilanlang kultural ng komunidad ay ang hanay ng mga natatangi at kakaibang katangian ng kultura ng mga tao sa isang komunidad. Ito ang nagpapakilala sa isang komunidad.
- Pagkain o Lutuing ipinagmamalaki
- Produktong Naiuugnay sa Komunidad
- Mga Tanyag na Anyong Lupa at Anyong Tubig
- Mga tanyag na Kasapi ng Komunidad sa iba’t-ibang sining at larangan
Mahalagang may kaalaman ang bawat kasapi ng komunidad sa sariling pagkakakilanlang kultural ng kaniyang komunidad.
Dapat rin itong pahalagahan, pagyamanin, ingatan, ipagmalaki upang ang mga ito ay mapanatili.
Kaugnay: Ang Mga Proyekto o Gawain ng Pamahalaan sa Kabutihan ng Lahat o Nakararami
Copyright © by Celine de Guzman/MyInfoBasket.com